“SALAMAT sa inyong time. Sa Pagbilao na lang ang continuation ng photo shoot,” ani Rozen bago ito sumakay sa elevator. Kumaway pa ito kay Chirslynn bago tuluyang sumara ang pinto niyon. Na mabilis namang ginantihan ni Chrislynn ng kaway rin. Hinatid nila sa may elevator ang bisita nila. Nag-alok siya na ihahatid na nila ito sa tinutuluyan nitong hotel ngunit tinanggihan naman nito. Napabuntong-hininga si Chrislynn nang mawala na sa kaniyang paningin si Rozen na ipinadala roon ng asawa ni Daizuke Niwa na si Nashnairah para sa personal interview kay Kirst. Ibinaba na rin niya ang kamay. Dahil alam naman ng mga ito na busy rin si Kirst sa negosyo nito sa Cebu kaya hindi ito basta-basta makakapunta sa Pagbilao City para sa interview for UHB Magazine. Kaya pinapunta na roon si Rozen para gaw