UNTI-UNTING ibinaba ni Chrislynn ang hawak na wireless phone matapos ang tawag ni Kirst. Ibinalik na niya iyon sa holder niyon. Ipinaalam nito na mayamaya pa ito makakauwi dahil nagkaroon ng emergency sa negosyo nito. Kaya pala alas syete na ay wala pa ito. Palibhasa, sobrang busy niya sa kusina kaya hindi niya namalayan na panay pala ang tawag ni Kirst sa kaniyang cellphone na naiwan niya kanina sa kanilang silid. Kaya naman tumawag na ang asawa niya sa telepono. Mula sa salas ay naglakad si Chrislynn papunta sa may komedor. Pinagmasdan niya ang lamesa na inihanda niya. A candle light dinner sana ang theme niyon. Sobrang pinag-effort-an niya ang sandaling iyon. Hindi ba naalala ni Kirst kung ano ang mayroon sa araw na iyon? O dahil sa sobrang busy nito sa trabaho kaya hindi na nito na