MAINGAT na isinara ni Chrislynn ang pinto sa silid ni Kirst. Ngunit pagpihit niya sa may likuran niya ay ganoon na lang ang pagkislot niya nang makitang nakatayo na roon si Kirst. Napahawak pa siya sa kaniyang dibdib dahil sa gulat na naramdaman. “Ang tagal mo,” reklamo pa nito. “Ngayon lang kami natapos magkuwentuhan ni Mama Feli.” Matapos kasi nilang mag-usap-usap kanina sa may lanai ay inaya naman siya ng kaniyang biyanan sa may entertainment room kung saan silang dalawa lang ang naroon. Excited na ipinakuwento sa kaniya ni Mama Feli kung paano silang nagkakilala ni Kirst. Lahat ng nangyari noon ay ipinakuwento nito. Wala siyang itinago sa biyanan. Halos tantiyahin din niya kanina nang aminin niya rito na nakunan siya sa mismong araw ng birthday ni Kirst. Bagay na pinagsisihan niyan