MATAPOS kumain ng hapunan ay nag-aya naman si Kirst sa may lanai kasama ang mga magulang nito. Magkatabing naupo sa sofa ang mag-asawang Monzerate. Si Chrislynn ay mag-isa lang sa kaniyang kinauupuan dahil nakatayo lang si Kirst. Mukhang walang balak na maupo. Nagpahatid naman doon ng kape ang ama ni Kirst. “Ano’ng sasabihin mo, hijo?” untag ni Manuel Monzerate sa anak na si Kirst. Hindi naman magawang tapunan ni Chrislynn ng tingin si Kirst. Napasulyap siya sa mga magulang ng asawa na kapwa naghihintay sa sasabihin ni Kirst. Tumikhim si Kirst. “Well, gusto ko lang pong ipaalam sa inyo na,” sandali siyang sinulyapan ng tingin ni Kirst bago muling ibinalik ang tingin sa mga magulang nito. “I’m married.” Natigilan ang mag-asawa sa sinabi ni Kirst. Si Mama Feli ang unang nakabawi mula sa