ISANG intimate family dinner ang ginanap ng gabing iyon sa may pool area. Ang pahabang lamesa ay bihis na bihis. Decorated ng mga bulaklak ang gitna niyon. May mga kandila rin na nagbibigay ng romantic vibes nang gabing iyon. Iyon ang huling gabi ng mga Monzerate sa Monticello’s Mansion. Magkatapat ang kinauupuan nila ni Kirst. Nasa gilid naman niya ang tatlong kambal na prenteng nakaupo sa high chair ng mga ito. Bukas nang umaga ay nakatakda ng umuwi ang mga ito sa Manila at si Kirst ay mananatili lang ng isang gabi sa Manila at babalik na rin sa Cebu. Napabuntong-hininga si Nastya. Napakabilis nga talaga ng araw. Ilang oras na lang silang magkakasama sa iisang lugar ni Kirst. Pansamantala na naman silang magkakalayo. Nang magbaling siya ng tingin dito ay saktong tingin din nito sa k

