KAHIT na alam naman ni Nastya na walang basta papasok sa kaniyang silid para i-check siya ay nagsigurado pa rin siya. Inayos niya ang kaniyang kama. Iyong tipong mukhang may natutulog doon kahit wala naman. Napangiti siya nang matapos sa ginagawa. Sa unang pagkakataon ng kaniyang buhay ay ginawa niya ang kalokohan na iyon. Para lang makasama ang lalaking itinatanggi ng kaniyang puso. Huminga siya nang malalim bago ipinasya ng lumabas ng kaniyang silid. Pagkabukas niya sa pinto ng kaniyang silid ay sinilip pa niya kung may tao sa magkabilang pasilyo. Wala siyang nakita kaya maingat siyang lumabas. Bahagya pa niyang itinaas ang laylayan ng suot niyang pantulog para makalakad ng mas mabilis. Night gown ang suot niya na yari sa silk satin. Sayad ang laylayan niyon sa sahig. Pinatungan pa niy

