TULUYAN ng naalimpungatan si Chrislynn nang muling maramdaman ang banayad na paghaplos ng kamay sa kaniyang pisngi. Nang unti-unti niyang imulat ang mga mata ay ang guwapong mukha ni Kirst ang sumalubong sa kaniyang paningin. Awtomatiko ang pagsilay ng ngiti sa labi nito na umabot pa sa mga mata nito nang makitang gising na siya. “Good morning, Misis,” malambing nitong bati sa kaniya. Napangiti si Chrislynn. “Good morning, Mister.” Mister… sa naisip ay naiangat niya ang kamay kung saan nakalagay sa kaniyang palasingsingan ang UHB Infinity Ring na siyang nagsilbing wedding ring nila kagabi ni Kirst. Pinagmasdan niya ang kaniyang singsing. Iyon ang patunay na kasal na sila ni Kirst. At hindi panaginip lang ang lahat ng nangyari kahapon. Totoo ang lahat. Napakurap-kurap siya nang hawakan