NAPAPANGITI si Chrislynn habang sinusudsod ng kaniyang suot na sapin sa paa ang pinong buhangin sa pribadong beach ng UHB Leisure Club. Hapon na nang mga sandaling iyon kaya naman nakakiling na ang haring araw at hindi na rin masakit sa balat ang sikat niyon. Saka lang niya naalalang pumunta sa parte na iyon nang kumain sila kanina ng tanghalian sa may Bay View Restaurant. Muli niyang nakita ang magandang view ng dagat at naalala ang sinabi ni Maryey na may magandang beach din na sakop ang UHB Leisure Club. Kaya naman nang mga sandaling iyon ay naroon sila ni Kirst. Patuloy na sinusulit ang pamamasyal sa buong lugar. “Just a moment,” ani Kirst na binitiwan ang kamay niya na hawak nito. Pagkuwan ay hinubad ang isang pares ng suot nitong leather slippers. Naiwang nakatayo si Chrislynn at