KANINA PA panay ang tingin ni Kirst sa suot niyang relong pambisig. Malapit ng mag-alas sais ng gabi. At kanina pa rin siyang hindi mapakali dahil maghapon niyang hindi nakikita si Chrislynn. Sa ilang araw nilang magkasama ay animo hindi na siya sanay na mawawala pa ito sa paningin niya. Nasanay na siyang ito palagi ang nakikita. Marahas siyang bumuntong-hininga. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa may sofa at naglakad papunta sa may terrace. Nang makarating doon ay huminga siya nang malalim. Nag-aagaw dilim na ang kalangitan. Kaunti na lang at tuluyan ng lalamunin ng kadiliman ang buong paligid. “Babe,” anas pa niya. Napakislot siya nang bigla ay marinig ang tunog ng door bell. Nang maisip si Chrislynn ay agad siyang tumungo roon para pagbuksan ang nasa labas. Ngunit ganoon na lang ang p