Chapter 111

2139 Words

“PAKIHATID po ng almusal ng mga bata sa may pool area,” ani Nastya sa kawaksi na sumalubong sa pagbaba nila sa may hagdanan. “Masusunod po,” anang kawaksi na humayon na sa kinaroroonan ng kusina. “Kami na muna ang bahala sa mga bata,” aniya nang lumapit din ang personal na tagapag-alaga ng tatlong mga bata sa kanila. “Okay po, Ma’am Nastya.” “Tara,” aniya kay Kirst. Hawak niya sa kamay si Kirstian dahil ang dalawang kambal na babae ay nakahawak na sa tig-kabilang kamay ni Kirst. Mga nakasuot pa rin ng pajama ang mga bata dahil mas trip ng mga ito na nag-aalmusal ng nakasuot ng pantulog. Maliban na lang kung may pasok ang mga ito. “Pagkatapos po naming kumain, liligo na kami,” ani Kirstian nang makaupo sa upuan sa may pabilog na lamesa na nasa malapit sa may gilid ng pool. “Sa pool na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD