NANG MAGISING ang diwa ni Chrislynn dahil sa bulyawan ay nahawakan agad niya ang ulo nang makaramdam na naman siya ng hilo at animo pagpitik doon. “Mga hayop kayo!” Bigla ang pagmulat ni Chrislynn nang mas marinig ng malinaw ang galit na galit na boses ng kaniyang asawa. Nakauwi na si Kirst? Hawak pa rin ang noo nang bumangon siya. Ngunit agad niyang nahawakan ang comforter nang mayuko ang sarili na walang suot na damit. Kumunot ang noo niya. Paanong wala akong suot? Mula sa sarili niya ay unti-unting nag-angat ang tingin ni Chrislynn. Pakiramdam niya ay may pumipitik pa rin sa kaniyang sentido sa hindi niya malamang dahilan. Natigilang lalo si Chrislynn nang makita na hindi lang si Kirst ang naroon sa silid. Mabilis na bumaba ng kama si Ehlae Ken habang nakatakip ang dalawang unan sa