Tinawagan naman ni Matthew, ang kanyang kilala at may ipapagagawa ito na mahalagang bagay. Sa pagkakataong ito s'ya naman ang magpaimbistiga sa asawa. "Sa kalagayan mo ngayon hindi kita pababayaan, Maria." wika ni Luke dito. "Salamat ikaw lang ang maaasahan ko sa ngayon, Luke." sagot naman ni Maria sa pinsan. "Ilang buwan na 'yan?" tanong ulit ni Luke. "Mag two months na." sagot ni Maria dito. Napatango lang si, Luke. Handa nitong protekhan si Maria gaya ng dati hinding-hindi n'ya ito pababayaan. Nagpasalamat naman si Maria sa pinsan dahil naiintindihan s'ya nito. Lumipas ang tatlong linggo, wala paring Matthew ang nagparamdam kay Maria. Wala pa rin s'yang balita kong nasaan ang asawa. "Matthew. please bumalik ka na " sa isip ni Maria. "Good, Liza, papuri ni Brai kay Liza dahil unti