Nagising si Maria na napansin na tila madilim pa ang kanyang paningin, kaya kinurap-kurap n'ya ang kanyang mga mata kundi s'ya nagkakamali nasa hospital s'ya. Binalikan n'ya ang nangyari sa kanya sa mall. Nilingon-lingon n'ya ang paligid mag-isa lang s'ya roon sa isip n'ya. "wala man lang s'yang kasama sa loob." "Hi ma'am, gising na po pala kayo," wika ng nurse na mag-check sa kanya. "Nurse sino po nagdala sa'kin dito?" kumusta ang baby ko?"sunod-sunod na tanong ni Maria sa babae. "Relax lang po kayo, ma'am, wala pong masamang nangyari sa baby n'yo." sagot nito kay Maria. "Eh sino nagdala sa'kin dito?" balik ulit na tanong ni Maria. Sinabi naman ng babae kung sino ang nagdala sa kanya sa hospital. Hindi naman makapaniwala si Maria sa sinabi ng nurse na asawa n'ya ang naghatid sa kanya