Nag-iisip naman si Maria, kung sasabihin n'ya sa asawa ang katotohanan. Naghihintay naman si Matthew kung ano ang issagot ni Maria. Pero naisip ni Maria, na sabihan na n'ya para wala na s'yang inililihim pa sa asawa. "Pagkatapos kong nag-aral at nakapasa sa board exam, umuwi ako dito para pamahalaan ang negosyo namin, pero nagulat ako sa sinabi ng magulang ko, na ipapakasal ako sa taong hindi ko nakita ni minsan, pinagkasundo n'ya ako ng hindi ko alam. Kaya ako tumakas at nawala sa'kin ang lahat ng meron ako, lahat-lahat. Hindi ako makapag-apply ng trabaho dihil pinakalat ng magulang ko, na kung mag-a-apply man ako, kahit saang kompanya ay hindi ako tatanggapin, tanging pagiging kasambahay lang ang aking naiisip na paraan para mabuhay. Kaya ako napunta sa'yo." mahabang salaysay ni Maria.