Halos paliparin na ni Matthew ang kanyang sasakyan para makarating sa hospital. Hindi n'ya na kakayanin na mawala ang ina, kahit ganun ang ina n'ya ay mahal na mahal n'ya ito. Ginawa naman ni Harold, ang lahat para ma-save nito ang ginang. Nalaman nitong hindi lang dahil sa oxygen na natangal kung kaya nagkakagito ang ginang, nalaman din nitong may itinurok sa daluyan ng dextrose nito. Agad na tinakbo ang ginang sa emergency room. Pahangos namang tinakbo ni Matthew ang emergency room kong nasaaan ang ina. "Kumusta si Mama?" agad na tanong nito sa guard na nasa labas ng emergency room. "Hindi pa namin alam sir, kong ok ba si ma'am." sagot ng lalake. "Ang tatanga n'yo!" sigaw ni Matthew sa mga tauhan. "Sorry sir," hinging paumanhin nito kay Matthew. "Sorry, magagamot ba ng sorry n'yo