Halos hindi maigalaw ni Veronica ang mukha n'ya dahil sa lakas ng pagkasampal ni Maria sa kanya, hindi n'ya ito napaghandaan. Akala n'ya hindi namauulit ang sampal na natikman n'ya noon kay Maria, ay mauulit pa pala. Ng mahimasmasan na si Veronica ay akmang gaganti ito ng sampal kay Maria ay naunahan na naman ito ni Maria sa kabilang pisngi nito, sampal na napakalakas at nakakabingi. "Hayop ka!" malakas na bulaslas ni Veronica, dahil sobrang nasaktan ito sa ginawa ni Maria. Gusto n'yang gantihan si Maria, hindi s'ya papayag na hindi s'ya makaganti dito. Patalikod na si Maria, ng bigla n'yang hinamlot ang buhok ni Maria at sinabunutan ito, Dahil may alam kunti si Maria sa self denfense kaya naagapan agad ni Maria ang susunod na gagawin nito. Tinulak n'ya ito ng malakas at napaupo si Veroni