"Ano ang ipinapasabi niya sa hampaslupa at bakit hindi mo sabihin sa akin!" galit na sabi nito. "At bakit niya naman sasabihin sa iyo, aber? Eh sa akin pinapasabi." Biglang sulpot ni Maria sa kanilang harapan. "Ah, Maria, sabi Sir Matthew susunduin ka raw niya mamaya. Sa labas daw kayo mag-dinner," wika ng matanda kay Maria at umalis na ito. "Hindi ka aalis. Ako ang makakasama niya," sabi ni Veronica na galit na galit sa kaharap. Kulang na lang lapain niya ito nang buhay. "Oh? At sino ka para utusan ako ng ganyan? Take note, I’m the boss and the legal wife. At ikaw? Ay isang sabit na parang linta na kumakain," sagot ni Maria kay Veronica. Sasampalin na sana ni Veronica si Maria ngunit naagapan niya iyon. "Isang pagkakamali mo lang, impakta ka, manghihiram ka talaga ng mukha sa iba,"