Bumalik naman si Matthew matapos makipag-usap sa phone niya. Nadatnan niya sina Maria at Joseph na nag-uusap. "Magkakilala ba kayo?" biglang sulpot na tanong ni Matthew. "Oo sir, kanina lang kami nagkakilala. Hindi ba nga siya ang nagkasal sa atin?" sabi ni Maria at idiniin pa talaga ang salitang kasal sa amo. "Ahh, okay. So thanks, Attorney," baling ni Matthew kay Joseph. "Wala iyon, Mr. Zamora. Ingatan mo ang asawa mo. Ginto iyan, kaya h'wag mo nang pakawalan," may laman na sabi ni Joseph kay Matthew at napaisip naman siya. "H'wag kang mag alala, Attorney, gagawin ko," ani Matthew. "Ang impakto, sige nga kung gagawin mo," sabi ni Maria sa isipan niya. Nagpaalam na sila pagkatapos nilang mag-usap. "Sir, p'wede pakipaliwanag mo lahat ito sa akin," basag ni Maria sa katahimikan sa l