Nabigla naman si Matthew sa narinig mula kay Veronica. Hindi niya alam kung siya ba ay masaya dahil magiging daddy na siya o aaminin na niyang unti-unti ng nawawala ang pagmamahal niya sa babae. "Sigurado ka?" tanong ni Matthew ay Veronica na tila hindi pa rin makapaniwala sa narinig. "Yes, sweetheart. Kaya please, palabasin mo na ako rito. Makakaya mo ba na rito lalaki ang tyan ko at mahihirapan ang magiging baby natin?" ika ni Veronica. "Pag-iisipan ko, Veronica," sagot lang ni Matthew. Matapos ang pag-uusap ng dalawa ay umuwi na si Matthew na gulong-gulo ang isip sa mga nangyayari. Habang tumatagal lumalayo na ang loob niya kay Veronica. --- "Hindi pa tayo tapos hampaslupa!" ika ng mama ni Matthew na si Lara habang nasa harapan niya ang mama ni Veronica na si Vivian. "Magtulunga