Naiwang nakatulala si Matthew dahil sa sinabi ni Maria. Naisip ni Matthew na tama nga naman si Maria sa sinabi nito.
Kaya humugot din si Matthew ng pera sa bulsa niya at binigay sa mga namamalimos.
"Ano naman kung magbigay ka kahit kaunti?" sabi ni Matthew sa isipan niya. Pagkatapos ay sumunod na siya kay Maria. Lingid sa kanyang kaalaman ay nakita siya ni Maria kaya napangiti ang dalaga.
Samantalang naisip ni Matthew na ibang-iba si Maria sa lahat kung ikukumpara kay Veronica.
Matapos ang misa ay lumabas na ang dalawa at saktong nakita sila ng kaibigan ni Matthew.
"Hi, bro. Sino iyang kasama mo? Girlfriend mo?" sunud-sunod na tanong ng kaibigan ni Matthew sa kanya.
Naghihintay naman si Maria kung ano ang isasagot ni Matthew sa kaibigan nito.
"Hi, bro. Ah siya?" pangbibitin ni Matthew.
"I’m his housemaid," nakangiting sabat ni Maria sa pag-uusap ng dalawa.
"Oh, really? Is that true Matt?" tanong nito na halatang hindi makapaniwala.
Nilingon muna ni Matthew si Maria bago nagsalita, "Ah, yes. She is."
"You know, hindi ka nababagay sa trabaho mo," sabi ng kaibigan ni Matthew na nakaharap na kay Maria.
"Ah, okay lang po iyon, sir. Kaya ko naman po ang maging katulong, eh. Siya nga pala h'wag naman po ninyo akong pagkamalang girlfriend ni Sir Matthew. Malayo ako sa girlfriend niyang magnanakaw," diretsahang sabi ni Maria na ikinabigla naman ni Matthew at ng kaibigan nito.
"Maria..." mahinang saway ni Matthew sa kanya.
"You mean nakakulong ang girlfriend mo, Matt?" tanong ulit ng kaibigan nito.
"Bro, mag-usap na lang tayo sa susunod. Maria, halika na." Sabay hila ni Matthew sa kamay ng dalaga kaya hawak-kamay silang tinungo ang sasakyan ng binata.
Nasa loob na sila nang magsalita si Matthew. "Bakit mo sinabing magnanakaw si Veronica?"
"Hindi ba at totoo naman iyon? Siya ang dapat mong ikahiya! Hindi kami! Sapagkat kahit na katulong kami marangal ang aming trabaho," sagot ni Maria.
Natameme naman si Matthew dahil sa sinabi ng dalaga. Oo, tama naman si Maria na si Veronica ang dapat na ikinakahiya hindi ang tulad nilang malinis ang gawa.
Nasa kalagitnaan sila ng biyahe nang tumunog ang cellphone ni Matthew. Kaya kaagad naman niya itong sinagot.
"Yes, mom? Bakit hindi man lang ninyo sinabi sa akin na dadalaw kayo?" kaagad na tanong ni Matthew sa kanyang ina. "Okay, sige. Pauwi na po kami. Magkita na lang tayo sa bahay."
Binalingan ni Matthew si Maria, "Nasa bahay raw sina Mama at Papa."
"And so? Mga impakta at impakto rin siguro sila gaya mo," sabi ni Maria sa isipan niya dahil nakausap na nito ang ina ni Matthew sa telepono. Handa na siya sa kanilang paghaharap.
"Ganoon po ba, sir. Bakit po, saan po sila galing," tanong ni Maria.
"Galing sila sa Laguna, roon sila nakatira sa sarili kong bahay," sagot naman ni Matthew.
"Okay, sir," tanging sagot ni Maria kay Matthew. Mamaya ay haharapin niya ang ina nito.
-----
"Ma, nakaisip na ako ng paraan kung papaano natin makukumbinsi si Matthew na iurong ang demanda sa akin," sabi ni Veronica sa ina niya dahil dinalaw siya nito.
----
Nakarating na sila Maria sa bahay ni Matthew. Nahuli siyang bumababa at nauna na si Matthew. Sinalubong naman si Matthew ng kanyang ina.
"Hi, hijo. How are you?" tanong ng ina ni Matthew sa kanya at hinagkan niya ito sa pisngi.
"Im okay, Ma. How about you?" tanong naman ni Matthew.
"I'm okay, too."
"Hi, Dad," baling ni Matthew sa kanyang ama na nakaupo at nagkakape. "Kumusta po?"
"Okay lang ako, hijo. Ikaw kumusta?
Ang tagal mong hindi dumadalaw sa amin," wika nito.
Papasok naman si Maria nang hindi alam kung paano babatiin ang mga magulang ni Matthew.
"Oh, may kasama ka pala, hijo?" tanong ng ama nito.
"Siya po si Maria, Ma, Dad. Siya iyong bago kong katulong at personal na nag-aayos ng mga kailangan ko," sabi ni Matthew.
"Hi po, ma'am, sir," bati ni Maria.
"Hi, hija," sagot ng ama ni Matthew kay Maria.
"Mabait ang papa niya, pero ang mama niya ay parang leon na handang kumain ng tao," nasabi ni Eva sa isipan niya.
"So, ikaw pala ang katulong na sumagot sa akin sa phone? Kahit anong bihis mo ay amoy na amoy ko pa rin," wika ng ina ni Matthew.
Pero hindi ito pinatulan ni Maria dahil naroroon ang amo at ang asawa nito. Kaya nagtitmpi muna siya na sagutin ang impakta.
"Excuse me, sir, ma'am, papasok na po ako at marami pa akong naiwan na mga gawain," paalam ni Maria sabay talikod sa mga ito.
"Mga walng modo talaga ang mga taong walang pinag-aralan. Kinakausap mo pa pagkatapos bigla ka na lang tatalikuran," pasaring ulit ng mama ni Matthew pero tuluy-tuloy lang si Maria sa paglalakad. Dahil kapag hindi siya nakapagtimpi, sasabog ang pagka-abogada niya.
"Ma, stop. Wala namang ginagawang masama sa iyo ang tao," saway ni Matthew sa ina niya. Dahil kilala nito ang ina, kaya nga siya bumukod ng bahay dahil sa pinaggagawa nito sa mga tauhan nila.
"Don't tell me pinagtatangol mo siya? Ang bastos niya kung alam mo lang," sagot naman ng ina nito.
Ang lahat ng sinabi ni Matthew ay narinig naman ni Maria dahil nagkubli lang siya sa isang sulok.
"Ang impakto marunong din palang magmalasakit," sa isip ni Maria.
"Dito kami matutulog, hijo. Kaya bukas na kami uuwi," saad ng ina ni Matthew.
"Okay, Ma. Malinis naman ang mga guestroom," sagot naman ni Matthew.
May tumawag naman sa ina ni Matthew kaya nagtungo ito sa hardin.
"Ano? Really? I will talk to Matthew," sagot ng ina ni Matthew sa kausap sa telepono. Galit na galit siya.
"Matthew, mag-usap nga tayo! Ano itong nabalitaan ko na pinakulong mo si Veronica? Hindi ka ba nahihiya sa pamilya nila, ha!"
"Ma, siya ang may mali," sagot ni Matthew.
"Iurong mo ang demanda sa kanya. Pinagpalit mo ang hampaslupa na titira sa bahay mo kaysa matagal mo ng kilala at girlfriend mo!" pagalit na sabi ng ginang kay Matthew.
Nakikinig lang ang ama ni Matthew sa mga pinag-uusapan nila. Hindi naman kasi ito nakikialam.
----
"Naniwala naman ang tanga! Tiyak na iuurong ni Matthew ang kaso. Magaling yatang kaming mag-drama . Ang tanga na nanay niya! Napaniwla ko!" natatawang sabi ng nanay ni Veronica.
----
Kinabukasan, maagang pumasok si Matthew. Kasama nito ang ama niya para dalawin din ang mga properties ni Matthew.
Nasa sala naman ang ina ni Matthew na nagkakape dahil may hinihintay ito na bisita. Walang iba kung hindi ang ina ni Veronica.
"Maria, dalhin mo nga itong inumin nila ma'am dahil may gagawin pa ako," utos ni Aling Dida sa kanya at sinunod naman niya ito.
Nakita naman ni Maria ang dalawang ginang na kung makatingin sa kanya ay parang lalapain siya.
"Ma'am, coffee po ninyo," sabi ni Maria sabay lapag ng tray sa mesa.
Nang tumalikod na si Maria ay sinadyang itapon ng ina ni Matthew ang tasa ng kape sa mesa. Kitang-kita ni Maria dahil sa salamin ang kaharap nito.
"Ay sorry, Maria, natabig ko. Pakilinis naman," utos nito.
Lumingon naman si Maria sa kanila, "Natabig po ba talaga? O tinapon ninyo?"
"How dare you na pagbintangan ako sa harapan pa mismo ng kaibigan ko!" galit na sigaw nito kay Maria.
"Oh really, ma'am? Anong tingin ninyo sa akin, tanga? Para hindi ko makita sa salamin?" sabi ni Maria sabay turo nito sa salamin.
Nagngingitngit naman ang ginang sa galit dahil sa hindi makapaniwala na sinagut-sagot siya ni Maria.
"Look! Ganyan niya sinasagot ang anak mo at pati ang anak ko ay nakulong dahil sa kagagawan ng babaeng iyan!" sumbong ulit ng ina ni Veronica sa ina ni Matthew.
"Ikaw na hampaslupa! H'wag na h'wag mo akong masagut-sagot ng ganyan, dahil hindi mo ako kilala!" madiin na sabi nito.
"Bakit, ma'am? Sino ka nga ba at sobrang taas yata ng tingin mo sa sarili mo?" sagot ni Maria dito na kampante lang.
"Ako ba ay sinusubukan mo talaga, ha! Kung ayaw mong mapalayas at masira iyang pagmumukha mo, gawin mo ang inuutos ko!" galit na sigaw nito.
"H'wag na h'wag din po ninyo akong tatakutin dahil hindi ako takot," sagot ni Maria.
"Alam mo, kayong mga hampaslupa, ang yabang ninyo! Ni wala nga kayong maibubuga! Kahit anong pabango pa ang gamitin ninyo, wala pa ring magbabago! Mga amoy lupa pa rin kayo!" pang-iinsulto nito na siyang nagpanting sa tainga ni Maria.
"Alam po ninyo, ma'am, oo katulong kami. Hampaslupa sa paningin ninyo. Bakit mabubuhay ba kayo kung wala kaming mga hampaslupa, hah? Saan ba galing ang mga kinakain ninyo? Hindi ba sa mga hampaslupa na nagtatanim sa bukid?
Oo at amoy lupa kami. Dahil doon kami nakatapak. Bakit ikaw? Saan ka nakatapak, ma'am? Sa semento? Sa marble? Bakit saan ka ba ililibing, tingin mo ba sa hangin? Sa lupa rin ang bagsak mo!" madiing sagot ni Maria sa ginang.
Akmang sasamplin siya ng ginang ng sinangga iyon ni Maria.
"Subukan mo lang idampi iyang kamay mo sa balat ko, ma'am. Magkakaalaman tayo!"
"H'wag na h'wag mo akong kakalabanin, hampaslupa ka! Baka iiyak ka ng dugo at magmamakaawa sa akin kapag nalaman mo ang kaya kong gawin," pananakot ng ina ni Matthew.
"Gawin po ninyo ang gusto ninyo. Hihintayin ko ang araw na iyon at
siguraduhin ninyong ako ang magmamakaawa at luluhod sa inyo. Ang tataas ng tingin ninyo sa sarili ninyo!" sabay na binagsak ang kamay nito.
"Parehas lang kayong mahihirap. Pera lang ang mga katapat ninyo!" wika ulit ng ginang.
"Oh, talaga? Bakit, may bilyones ka ba? Baka kaya kitang tapatan," nakakainsultong ngiti ang ibinigay ni Maria. Binalingan naman niya ang nanay ni Veronica, "At ikaw! H'wag mo rin akong subukan dahil hindi mo alam ang kaya kong gawin at baka pati ikaw maisama sa kulungan."
Galit na galit ang dalawang ginang dahil talo sila sa isang katulong na kagaya ni Maria.
----
"Matthew, buntis ako at ikaw ang ama nito," saad ni Veronica dahil dinalaw siya ni Matthew. Nabigla naman si Matthew sa nalaman.
--