Chapter8

2148 Words
Nasa kwarto si Matthew at katatapos lang nitong maligo nang maalala na hindi siya pinaghanda ni Maria ng damit pantulog. Kaya naman ay kaagad niya itong tinawagan. Wala siyang pakialam kung tulog na o kaya naman ay nagpapahinga na ito kahit alas onse na ng gabi. "Hays! Anak ka talaga ng ina mo! Impakto ka! Anong oras na at tinatawag mo pa ako," ani Maria sa isip niya. Alam na niya kaagad kung sino man ang tumatawag dahil naka-connect ang telephone nito sa kwarto niya. "Hello, yes? May kailangan ka?" tanong kaagad ni Maria. "Yes, come to my room. Dahil hindi mo ako pinaghanda ng damit pantulog. Hindi ba at sabi ko sa iyo, dapat nakahanda na ang lahat!" sabi ni Matthew. "Ah sorry, sir. Paakayat na po ako," nakasimangot na sagot ni Maria. Lumabas na siya ng silid patungo sa silid ng kanyang amo. Hindi na niya alintana na nakapantulog lang pala siya ng damit at labas lahat ng kanyang kaseksihan maging ang kanyang makinis na balat. Pagkakatok niya ng kwarto ay kaagad siyang pumasok. Laking gulat niya nang makitang nakatapis lang ang kanyang amo. Ganoon din ang binata na nakaharap sa kanya at nakatulala dahil hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Nagtitigan ang dalawa na tila parang estatwa. Parang walang gustong bumawi ng tingin. Nagtitigan sila na parang nag-uusap ang kanilang mga mata. Si Matthew na tanging tuwalya lamang ang suot at si Maria na nakadamit pantulog na sobrang nipis at bakat na bakat pa ang kanyang panloob. "Ahmm, sir. Kukuhanan ko lang po kayo ng damit," basag ni Maria sa katahimikan nila. Tila natauhan naman si Matthew sa nangyaring titigan nila ng kanyang katulong. "Go! Hindi ba at sinabi ko sa iyo na dapat nakahanda na lahat ng gamit ko! Isa pa, ayaw ko nang tatanga-tanga," saad naman ni Matthew upang mawala ang init na kanyang nararamdaman. "Okay, sorry. Next time hindi na mauulit. Kung bakit kasi ang tanda mo na, pati ba naman pantulog ako pa," sagot ni Maria. Narinig naman ni Matthew ang huling sinabi ni Maria kahit mahina lang ang kanyang pagkakasabi. "Nagrereklamo ka?" tanong ni Matthew. "Bakit may sinabi ba ako? Hindi ba at wala?" sagot naman ni Maria. "Oo, meron at narinig ko," ani Matthew. "Naman! Bakit ka pa nagtatanong kung narinig mo naman pala?" balik tanong ni Maria. "P'wede ba, kung tapos ka na, p'wede ka ng lumabas. Baka hindi ako makapagtimpi at masunggaban pa kita," paangas na sabi ni Matthew. "Ano, sir? May sinasabi ka?" tanong naman ni Maria. "Wala, bakit may narinig ka?" ani Matthew sa dalaga. "Meron!" sagot naman ni Maria. "Naman! Bakit ka pa nagtatanong?" banat ni Matthew sa dalaga. "Ang impakto! Naisahan ako," sabi ni Maria sa isip niya. "Makalabas na nga! Baka may hindi makagpigil diyan, malapa pa ako ng buhay," pagpaparinig ni Maria saka lumabas ng kwarto ni Matthew. Nakangiti naman si Matthew dahil naisahan din niya ang dalaga. "Alam kong may tinatago ka sa akin, Maria. Imposibleng laki ka sa hirap. Ni walang kagalos-galos ang mga balat mo," sabi ni Matthew sa isip niya. Inaamin niyang nahuhulog na ang loob niya sa dalaga pero ang pinapanindigan pa rin niya ay katulong ito at pera lang ang habol ng mga katulad ni Maria. "Gwapo pala ni impakto," sabi ni Maria sa isip niya habang nakahiga na sa kanyang kama. Iniisip niya si Veronica kung ano na ang kalagayan nito sa kulungan. Kinabukasan ay maagang gumising si Matthew para maligo dahil balak niyang dalawin ulit ang nobya. Umakyat naman si Maria para ipaghanda si Matthew ng mga gagamitin nito. Mabuti na lang at nasa loob na ng banyo ang lalaki. Matapos niyang ihanda ay siya namang tumunog ang telephone sa study table ni Matthew. "Hello, Zamora's residence. May I know who's in the line?" malambing na tanong ni Maria. "Hello, sino ito?" balik tanong ng boses babae sa kabilang linya. "I'm Maria, personal maid ni Sir Matthew," sagot ni Maria. "Oh, really? Bakit nasa ka room ka niya ng ganitong oras?" tanong ulit nito kay Maria. "Simple, dahil ako lahat ang nag-aasikaso sa lahat ng gamit ni sir, kaya nandito ako," sagot naman ni Maria at tinarayan ulit ang kausap sa kabilang linya, "Wait, wala tayo sa pageant para magtanungan tayo." "b***h! H'wag mo akong masagot ng ganyan. Ako lang naman ang kanyang ina!" sigaw naman ng babaeng nagpakilalang ina pala ng kanynag amo. Tumaas naman ang kilay ni Maria, "Mag-ina nga kayo. Ugali pa lang, manang-mana na sa iyo. Ang tataas ng tingin sa mga sarili. Parang hindi naman mamamatay." Gusto sana iyong sabihin ni Maria pero sinarili niya na lang. May respeto pa rin namang natitira sa sarili niya. Pero naalala niyang tinawag siya nitong b*tch kaya biglang kumulo ang dugo niya, "H'wag na h'wag mo akong matawag-tawag na b***h, dahil hindi mo ako kilala!" "Katulong ka lang kaya h'wag kang umasta ng ganyan!" sagot naman ng mama ni Matthew. "Okay, fine! Tumawag ka na lang ulit mamaya!" sagot na lang ni Maria at binaba na ang telephone. Bumaba na kaagad si Maria para ayusin ang pagkain ng amo dahil maagang umalis si Aling Dida para mamalengke. ------- "Ma, please kausapin mo naman si Matthew na iurong ang kaso laban sa akin, please. Hindi ko na kaya rito," pagmamakaawa ni Veronica sa nanay niya. "Kung hindi ka naman kasi tanga! Gumawa ka pa ng hakbang na ikaw lang din ang napahamak! At nagpatalo ka pa talaga sa hampaslupa na iyon! Nasaan ang utak mo?" galit din na saad ng nanay ni Veronica sa kanya. Dinalaw kasi siya ng nanay niya sa kulungan. "Please naman, Ma. Tulungan mo ako at sisiguraduhin ko na sa susunod na makaharap ko ang hampaslupa na iyon ay pagsisisihan niya ang ginawa niya sa akin," sagot ni Veronica sa ina niya. "Dapat lang na mawala sa landas mo ang babaeng iyon, Veronica. Kailangan ninyong maikasal ni Matthew dahil papalugi na ang negosyo natin," wika ng ina ni Veronica sa kanya. --------- Pagbaba ni Matthew ay kaagad siyang nagtungo sa kusina para kumain. "Saan si Aling Dida?" tanong ni Matthew kay Maria. "Umalis po, sir, namalengke," sagot ni Maria. Hindi pa rin sila parehas makatingin ng diretso sa isat isa. "Okay, ready?" tanong ni Matthew. "Yes, kagabi pa po," sagot ni Maria. "Okay, sa office na ako kakain," sabi ni Matthew sabay alis sa kusina. "Ay! Impakto ka talaga naghirap akong naghanda ng kakainin mo tapos hindi ka kakain? Bahala ka na nga sa buhay mo!" sabi ni Maria sa isip niya at lumabas na rin ng kusina para gawin ang kanyang mga trabaho. "Lynn, saan ba ang driver natin?" sigaw ni Matthew. "Ah, sir, kasama po ni Aling Dida," sagot ng isang katulong. "Bakit nasa hulihan ang kotse ko? Alam naman na gagamitin ko ngayon ito. Male-late na ako kung iaabante ko pa iyang sasakyan!" galit na sabi ni Matthew. Narinig naman Maria ang malakas na boses ni Matthew kaya lumapit siya kay Lynn. "Anong problema, Lynn? "Kasi gagamitin ni sir iyong kotse niya. Eh nasa hulihan. Hindi kasi nilagay ng driver sa harapan bago umalis," sagot ni Lynn. "Ano? Mag-chi-chismisan na lang ba kayo riyan? Tawagan ninyo sila Aling Dida kung nasaan na sila! Bilis! Male-late na ako!" galit na utos ni Matthew kina Maria. "Lynn, akin na ang susi," utos ni Maria sa kasama niya. "Marunong ka?" tanong nito pero hindi na siya sinagot ni Maria at hinablot na ang susi na hawak ni Lynn. Binuksan ni Maria ang pintuan ng kotse at pumasok sa loob. "Lynn, open the gate," utos ni Maria at kaagad namang tumalima si Lynn. "Anong ginagawa mo? Hindi laruan ang mga mamahaling sasakyan ko!" sigaw ni Matthew. Kaagad na ini-start ni Maria ang sasakyan at nagmaneho. Nakatanga naman si Matthew sa nakikita. Hindi niya akalain na marunong itong magmaneho at para bang sanay na sanay na. Nakangiti naman si Maria sa nakikitang reaksyon ni Matthew. Inasar niya pa ang amo, "Ano, sir? Hindi ba at male-late ka na? Ano pang hinihintay mo? Buwan?" Nilapitan naman ni Matthew si Maria, "Bakit marunong ka?" Nag-isip naman si Maria ng isasagot sa binata. "Ah, driver ang papa ko noon at tinuruan niya ako," sagot kaagad ni Maria. "Okay, good," tanging sagot ni Matthew at kaagad ding sumakay sa kanyang sasakyan. Ngunit lalo lang nadagdagan ang kanyang hinala sa dalaga. "Sir, p'wede po bang mag-off ako mamaya? Kahit dalawang oras lang? habol na paalam ni Maria kay Matthew. "Bakit, saan ka pupunta?" tanong din ni Matthew kay Maria. "Magsisimba po sana ako," sagot ni Maria. "Okay, hintayin mo ako sabay ka na sa akin mamaya at dalawin natin si Veronica bago tayo magsimba. May lalakarin lang ako," sagot naman nito at umalis na. "Ang impakto, talagang walang tiwala at sasama pa talaga. Sabagay, okay na rin iyon at madadalaw ko pa ang impakta niyang syota," sabi ni Maria sa isip niya. May pinaplano na naman siya laban sa babae para lalo pang mainis ito sa kanya. ------- "Hindi ako naniniwala na mahirap ka, Maria. Malalaman ko rin ang lahat. Kung sino ka at saan ka ba talaga galing," sabi ni Matthew sa sarili habang nagmamaneho. Aaminin niya, napahanga siya ng babae. Magaling, matalino, at hindi basta-basta nagpapatalo. ------- "Manang, maliligo lang po ako, ha? Magsisimba po ako, ay kami pala. Sasamahan daw ako ni sir at saka dadalawin daw namin si impakta, ay este si Veronica po pala," paalam ni Maria kay Aling Dida. "Sige at baka mamaya nariyan na si sir. Ayaw na ayaw niya pa naman ang pinaghihintay siya," sagot nman ng matanda at tumalikod na si Maria. Matapos maligo ni Maria ay pinili niyang isuot ang bulaklaking bestida na above the knee at isang black sandals na tama lang ang taas. Ito lang kasi ang nadala niya. "Ang ganda ko talaga!" Paikot-ikot si Maria sa harap salamin na nasa loob ng kwarto nila. "Manang, nasaan na po si Maria? Biglang sulpot ni Matthew sa likuran ni Aling Dida. "Ay, impakto ka at impakta si Veronica!" gulat na naibulalas ni Aling Dida dahil sa nabigla siya. "Ano, manang?" tanong ni Matthew. "Ikaw naman, sir, kasi eh! Pasulpot-sulpot, ayan tuloy." Magsasalita na sana si Matthew nang makita niya si Maria. "Sir, alis na po ba tayo?" tanong ni Maria. Samantalang nanlalaki naman ang mga mata ni Matthew sa nakitang ayos ni Maria. "Wow, Maria! Ikaw ba iyan?" Kahit si Aling Dida ay nagulat din dahil sa hindi siya makapaniwala sa nakikitang kagandahan ng kasambahay. Walang kurap naman ang mga mata ni Matthew sa nakikitang kagandahan at kaseksihan ni Maria. "Sir, alis na po ba tayo?" pag-uuliyt ni Maria sa tanong niya kanina. "Yes, tara na!" tanging nasabi na lang ni Matthew at nauna ng lumabas. Sumunod naman si Maria at kinindatan pa niya si Aling Dida Gumanti lang ng ngiti ang matanda. Tahimik lang ang dalawa na tila hindi magkakilala habang nasa byahe. Gayunpaman, nilibang na lang ni Maria ang paningin sa labas. "We’re here," tipid na sabi ni Matthew at bumaba na ito. Masaya naman si Veronica dahil dinalaw siya ni Matthew ngunit napawi rin iyon kaagad nang makitang kasunod nito si Maria. Hindi siya makapaniwla sa nakikita niya. Sobrang ganda ng kasambahay na kanyang nilalait. "Hi, how are you?" nakangiting tanong ni Maria Kay Veronica. "Don't talk to me b***h!" sagot naman ni Veronica kay Maria. "Oh, really? Be careful, baka mabulok ka lalo rito. Ano, masaya ba sa loob? Enjoy ka lang, ha? Akin muna si Matthew habang wala ka," pang-iinis ni Maria kay Veronica dahil kausap ni Matthew ang isa sa mga police na naroon. "Sisiguraduhin kong susunod ka rito, hampaslupa!" sagot ni Veronica. "Talaga? Sige, hihintayin ko. Nga pala, ang ganda ng damit mo. Bagay sa iyo, pang-kriminal talaga!" madiin na sabi ni Maria. Siya namang lapit ni Matthew kaya hindi na naksagot si Veronica. Nagpaalam na silang aalis kaya sobrang inis ni Veronica sa dalawa. ------- Nasa harapan na ng simbahan sina Maria at Matthew nang may nakita si Maria na matandang babae. Humihingi ng limos pero hindi iyon pinansin ni Matthew. Huminto naman si Maria at dinukot ang wallet sa kanyang bag. Binigay niya ang buong sahod niya sa mga pulubi na naroroon. Mga nakakaawang nanlilimos, may pilay at mga bulag din na nakita si Maria. Nakita naman ni Matthew ang ginawa ni Maria. Kaya napakunot ang kanyang noo. Halos lahat ng pera nito ay pinamigay na niya sa mga hampaslupa. Masaya si Maria sa kanyang ginagawa at nakatulong siya kahit papaano sa mga taong naghihikaos sa buhay. Nilapitan naman siya ni Matthew. "Anong ginagawa mo? Ang lalaki ng mga katawan nila. Bakit hindi sila humanap ng trabaho? Bakit kailangan mo pang ibigay ang lahat ng sahod mo?" tanong ni Matthew kay Maria. Ngumiti lang si Maria at sabay sabing... "Matthew 5:42, bigyan mo ang sa iyo ay humihingi. H'wag mong talikdan ang sa iyo ay nangungutang." Walang nasabi si Matthew kung hindi ang mapatulala na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD