Chapter 7

2057 Words
"Oh, wala akong sinabi, bakit guilty ka?" sagot naman ni Veronica rito. "Tumigil na kayo, kung walang aamin sa inyo, tatawag ako ng police, para halughugin ang mga gamit niyo!" galit na sabi ni Matthew sa mga tao roon. "Tama, ako na ang tatawag para kapag nahuli na, diretso sa kulungan ang suspect!" Kaagad ngang tumawag si Veronica ng mga police. Ang lahat naman ay nagkatinginan sa sandaling iyon, dahil natatakot sila sa gagawin ng amo nila, dahil sobra ito kung magalit. "Sige, sir, tumawag kayo ng police at makikipag-deal ako. Kung isa sa amin ang kumuha noon, ako ang mabubulok sa bilangguan habang buhay, at ito ang sisiguraduhin namin, kapag wala ni isa sa amin at isa sa mga bisita niyo ang kumuha, titiyakin din naming mabubulok siya sa bilanaguan, " sagot ni Maria at galit na galit na rin ito. "Oh, talaga? Sige, deal ako," sagot ni Veronica rito. "Okay, 'yan pala ang gusto niyo, ha? Pagbibigyan ko kayo. Ang pinakaayaw ko ay ang pagnakawan ako at paglihiman," sagot ni Matthew. Nanginginig naman ang mga kasambahay nila. "At ito pa, sir, kapag isa man sa amin ang kumuha noon at kung magkano man ang halaga noon, triplehin ko pa ang bayad noon at ibabalik ko sayo, but one thing also we want you to be fair," sagot naman ni Maria. Dumating na ang mga police para maghalungkat ng mga gamit ng mga kasambahay. "Sir, wala po sa mga gamit ng katulong niyo ang nawawalang gamit niyo," sabi ng mga police dito. Nagtataka naman si Veronica, dahil 'di nila nakita ang relo, eh nilagay niya ito sa gamit ni Maria. "Sure kayo na wala sa mga gamit nila?" paniniguro ni Veronica. "Sir, ma'am, wala po. Inisa-isa na namin ang mga gamit nila, wala po talaga," sabi ng police. "Oh, ngayon, baka p'wede sa bisita naman po ninyo gawin ang ginawa niyo sa mga gamit namin, Sir?" tanong ni Maria sa police. "Okay, check my bag," sabi ni Veronica at binigay nito ang kanyang bag sa police na nandoon. Nakikinig lang si Matthew sa kanila at nakikiramdam din ito. Kinuha naman ng police ang bag ni Veronica at isa-isa niyang nilabas ang mga gamit nito. "Ito po ba ang relo na hinahanap n'yo, Sir?" tanong ng police kay Matthew. Nang itaas nito ang relong hawak ng police nagulantang si Veronica sa nakita niya, pati si Matthew na sobrang galit na nakatingin kay Veronica. "Pa'no napunta sa 'yo 'to!" galit na tanong ni Matthew kay Veronica. Pa'no napunta? Flashback Nagbihis si Maria kanina nang makita niyamg nagalaw ang kan'yang gamit at nakita niya ang relo ng amo. Kumuha siya ng plastic para hawakan iyon, dahil sa naiwan ni Veronica ang bag niya kaya doon nilagay ni Maria ito, dahil alam niya na si Veronica lang ang gagawa noon. End of flashback "No! Ewan ko!" sagot ni Veronica na 'di pa rin makapaniwala sa nangyari. "Sir, all of them kuhanan ninyo ng fingerprints para malaman natin kong sino at pa'no nand'yan 'yan. But as of now direct her to jail," utos ni Matthew dahil nakipag-deal siya kay Maria at may isang salita siya. "No, Matthew! Please don't do this to me!" sigaw ni Veronica at nilapitan naman siya ni Maria. "Dadalawin kita," nakangiting saad ni Maria dito. "Nagkamali ka nang kinalaban," pabulong ni Maria kay Veronica na hawak na ng mga police. Hawak na ng mga police si Veronica kaya wala na itong kawala pa. Tagumpay naman si Maria at masaya siya dahil may isang salita naman pala si Matthew. "Pagbabayaran mo ang ginawa mong ito!" pahabol ni Veronica kay Maria. "Magkank at kailan? Magbabayad ako!" nakangiting sagot ni Maria at hinila na palabas ng mga police si Veronica. "Siguraduhin nimyong ni isa sa inyo ay walang may pakana ng lahat nang ito. Kapag lumabas ang result ng fingerprints at isa sa inyo, mabubulok sa kulungan!" galit na sabi ni Matthew sa mga kasambahay nito. Tahimik lang na nakikinig ang lahat. Takot din sila pero kahit isa sa kanila ay walang gumawa noon kaya panatag na rin ang loob nila. " Yes, Sir," sabay na sagot ng mga kasambahay nito at tiningnan niya si Maria nang matalim dahil tahimik lang ito. "Sige, magsibalik na kayo sa mga gawain niyo. Maria, follow me sa library. Mag-usap tayo." Utos ni Matthew kay Maria Di sumunod, sa isip ni Maria. Pagpasok nila sa loob ay agad na umupo si Matthew. Ni hindi man lang niyaya na umupo ang dalaga. "Siguraduhin mong wala kang kinalaman sa lahat nang nangyari. Kundi, mabubulok ka sa bilangguan," seryosong saad ni Matthew kay Maria. "Sure akong wala akong kinalaman, Sir. At kung meron man tama lang 'yon," diretsong sagot naman ni Maria. "Anong ibig mong sabihin na tama lang 'yon?" tanong ni Matthew. "Wala. Hintayin na lang natin ang resulta ng fingerprints, para malaman natin. Huwag 'yong dada tayo nang dada," sabi ni Maria. = Nasa presinto naman si Veronica. Hindi pa rin siya makapaniwala sa lahat nang nangyayari at pa'no siya naisahan ng hampaslupa na iyon. "P'wde ba? Bitawan ni'yo ako kung ayaw ninyong idemanda ko kayo!" sigaw ni Veronica sa mga police na may hawak sa kan'ya. "Ipasok na 'yan sa loob!" Utos ng isang police, kaya agad na pinasok ito sa selda. "No way!" sigaw ni Veronica dahil nakikita niya ang mga taong nandoon sa loob ng selda. Lalo pa ang baho ng amoy kaya nandidiri siya. "Ang dami mong satsat, pasok!" sabi ng isang police. "Wait, okay... okay... papasok ako basta tatawagan ko lang parents ko, to tell them that I am here," pakiusap ni Veronica. "Okay, bilisan mo," utos naman ng police. Pagkatapos niyang makausap ang mga magulang ay pinasok na siya sa selda. "Hindi pa tayo tapos hampaslupa! Sisiguraduhin kong ikaw naman ang ipapasok ko rito," sa isip ni Veronica. "Hoy! Ikaw babae, linisan mo 'yong kubeta." Utos ng pinakapinuno sa loob ng selda. "Excuse me? Over my dead body! I will not do that!" galit na sagot ni Veronica rito. "H'wag na h'wag kang magrereklamo! Punta ka na ro'n, kung ayaw mong masaktan!" Utos ng isang nasa loob din ng selda. Nanginginig naman si Veronica, dahil wala siyang kakampi sa lugar na iyon at halos parang mga kriminal ang nasa loob ng seldang iyon. Nakatayo lang siya at 'di siya sumunod sa utos nito kaya nilapitan siya ng mga ito. "Anung gagawin ninyo? H'wag kayong lumapit!" ani Veronica, pero takot na takot ito lalo pa ang lalaki ng mga katawan ng mga ito. = = Naiwan si Matthew sa library na napapaisip sa mga nangyayari. Aaminin man niya na 'di impossible ang ginawa ng kaniyang nobya, pero naisip din nito na parang may tama rin ang kaniyang katulong na si Maria. Aaminin man niya, marami siyang natutunan dito. Pero gaya nang sinabi niya sa sarili, mahirap magtiwala lalo na sa mga katulong na pera lang ang ninanais. "D*mn, Maria! Sino ka ba talaga? Bakit ang hirap mong hulihin? Lalong-lalo na ang pagkatao mo? Sino ka ba talaga?" Napahilamos ng palad si Matthew sa kaniyang mukha. Samantala, kahit gabi na ay nasa hardin pa rin si Maria. Nakaupo sa may damuhan. Oo, abogada siya. Matatag at handang lumaban basta naaapakan na siya, pero may kahinaan din siya. Tao lang siya na marunong masaktan at magmahal. Hindi rin makatulog si Matthew dahil inisip nito ang nobya na si Veronica. Kung ano na ang nangyari dito sa loob ng kulungan. Oo, mahal niya ang babae pero ang gawan siya ng bagay na nakawan ay hindi niya matatangap. Lalo na sa pamamahay niya. = = Nilunod ng tawa ng mga preso ang buong selda. "Sige! 'Yan, kuskusin mong mabuti 'yang inidoro. Gusti ko maputi 'yan lagi!" Utos ng isa sa mga preso kay Veronica na nagkukuskus ng toilet bowl. Masuka-suka at mangiyak-ngiyak si Veronica sa paglilinis ng toilet bowl, pero wala siyang laban sa mga ito. Mahirap pala ang mga gawain ng isang atchay, sa isip niya. Pero 'di pa rin siya magbabago. Lalo na ang pagtingin niya sa mga hampaslupa. Kaya pagbabayarin niya ang lahat ng nagpahirap sa kaniya. = = Nasa veranda si Matthew habang tumutungga ng alak at malalim ang iniisip. Tinitimbang ang lahat nang nangyayari sa paligid. "Mom, Dad, miss na miss ko na kayo. Pero kailangan kong panindigan ang desisyon kong ito. Kaysa makasal ako sa taong 'di ko naman kilala at magdudusa lang ako sa piling niya. Babalik po ako kapag tama na ang mali," ani Maria sa sarili habang tumutulo ang mga hula nito. Dinig naman ni Matthew ang munting tinig na nagmula sa ibaba ng veranda kung saan nakaupo si Maria. Anong ginawa nito sa ibaba, gabi na ah? sa isip ni Matthew. Maagang umalis si Matthew dahil ayaw niyang ma-late sa meeting nila ni Mr. Dela Vega, dahil napakaimportanteng tao ito. Lalo na sa larangan ng negsoyo. Kaya kailangan niyang laging handa kapag ito ang kaniyang kaharap. Magaling din kasi itong mangsindak. = = Hindin naman halos makagalaw si Veronica sa sobrang sakit ng kaniyang katawan sa paglilinis ng banyo kagabi. Kaya nakahiga pa lang ito sa sahig na sapin ay karton lamang. Pinuntahan na rin siya ng kaniyang mga magulang kagabi, kaya gumawa na sila ng paraan para iurong ni Matthew ang kaso laban sa anak nila. Nasa five star hotel na si Matthew at naghihintay na lang ito sa pagdating ni Mr. Dela Vega. Hindi nga siya nagkamali at dumating ito sa tamang oras. Kasama nito ang dalawang bodyguard. "Good morning, Mr. Dela Vega," bati ni Matthew rito. "Good morning too, Mr. Zamora," sabay abot ng kamay sa binata. "So, makikipag-deal ka na ba sa 'kin, Mr Dela Vega? Na makapasok ako sa ilan sa iyong mga company?" tanong ni Matthew dahil noon pa niya gustong ka-partner ito. "As of now, hindi natin kayang pasukin ang apat sa mga company ko. Dahil nakapangalan na ito sa nag-iisang anak ko. At wala pa siya rito. Hihintayin natin ang pagbalik niya, dahil hindi ko p'wedeng galawin iyon. Kahit pa ako ang nagbigay at ama niya. Dahil may isang salita ako sa anak ko. Pero don't worry, you can share my other properties not in my daughter's name, " saad ng don kay Matthew. Matapos mag-usap ang dalawa ay pinuntahan ni Matthew si Veronica sa kulungan. ---- Nasa hardin naman si Maria dahil pinapaayos ni Aling Dida ang mga halaman na nandoon nang may humablot sa kaniyang braso. "Hoy, hampaslupa! Ikaw ba si Maria?" tanong ng babaeng nasa harapan ni Maria na sobra kung manamit. "Yes I am, who are you?" taas-noo na tanong din ni Maria. Akmang sasampalin siya ng kaharap nang nasangga niya ito. "Don't ever try to touch my face. Even the tip of my hair," sabi ni Maria at binagsak ang kamay ng ginang. "Wala kang karapatang pagsabihan ako nang gan'yan! Hampaslupa!" madiin na sabi nang kaharap ni Maria. "Oh, really? And who are you to tell me that?" tanong naman ni Maria na nang-iinis. "Ako lang naman ang Mama ni Veronica. Na sa walang kahiyaan mo, dapat ikaw ang nakulong, at hindi siya!" sigaw ng ina ni Veronica. "Oh, talaga? Nagsumbong na pala ang anak mong magnanakaw. H'wag mo akong kakalabanin, dahil hindi mo ako kilala. Baka gusto mong sumama sa anak mo sa kulungan?" sagot naman ni Maria dito. "Sisiguraduhin kong luluhod ka sa harapan ko at hahalik sa paa ko! Magmamakaawa ka rin sa 'kin! Hindi mo rin ako kilala!" banta ng ina ni Veronica kay Maria. "Then do what ever you want. Hindi ako natatakot at sisiguraduhin ko ring ikaw ang hahalik sa makikinis kong paa," sagot din ni Maria na kinainis ng kaharap. Umalis ang ginang na sobrang galit ito puro pagbabanta ang laman ng isip nito para sa pamilya ng babae. ---- "Sweetheart, please. Ilabas mo na ako rito. Hindi ko na kaya rito, please," pagmamakaawa ni Veronica kay Matthew. Nalaman na kasi ang resulta nito. Positive na fingerprint niya ang humawak sa gamit ng lalaki. Naaawa man si Matthew sa nobya, pero bigyan niya muna ito ng leksyon. Para alam nito ang ginawa at saka niya iuurong ang demanda sa babae. Usap-usapan naman ng mga kaibagan ni Veronica ang nangyari sa kaniya kaya kahihiyan ang abot nila. --- "Dapat gumawa tayo ng paraan para mailabas at maikasal si Matthew at Veronica. Habang hindi pa nalulugi ang ating company," sabi ng Ama ni Veronica sa asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD