Tila nahimasmasan si Annie pagkatapos uminum ng tubig. Humarap siya sa desktop. "Pisti kang babae ka, pag nakita kita sa daan humanda ka" Tahimik lang na nakikinig si Jenny sa kanya. Alam kasi nito na galit na siya. "At ikaw na lalake ka gustong gusto mo pang dumidikit sayo yang lintang yan." Napatingin siya sa ballpen na hawak lumabas doon ang mukha ni Mathilda. Hinawakan niya ng mahigpit kaya nabaluktot ito at nabali. Parang bigla siyang lumakas dahil sa selos na nararamdaman. "Nag effort pa ko dalhan ka ng kape, yun pala yan lang igaganti mo, bwisit!" "Sana pala nilagyan ko nalang ng lason yang kape". Sabi niya na sobrang naiinis. Ilang saglit pa ay lumabas si Adam at Mathilda. Napansin niya na nakayapos ito sa mga braso ni Adam. Lalo siyang nagselos. Sinundan niya lang ng tin