--------- "Anak papasok ka ba?" gising ni Mang Jun kay Annie. Mukang wala yata siyang balak gumising ng maaga dahil sa pagod at puyat. Hating gabi na siya nakauwi dahil sa report na pinapatapos ni Adam. Kinusot niya ang mata. "Pa anung oras na po?" "Alas-sais na Anak, papasok ka ba? Biglang nawala ang antok ni Annie, tinanghali na siya ng gising. Nagmadali siyang tumayo at kumuha ang tuwalya. "Opo pa", matipid niyang sagot. "Mukang late kana nak", sabi ulit nito at lumakad na din palabas ng kwarto niya. "Naku lagot talaga ako nito." Pagkatapos maligo at mabilis siyang nagbihis. Hindi na rin siya kumain dahil sa pagmamadali. Sumakay siya ng jeep at nakipagsiksikan. Sanay na din si Annie pag may rush hour. Ilang saglit din siyang napatingin sa relo. Tila gustong pabagalin ang oras.