Annie POV Halos isang buwan na kaming di nagpapansinan ng mokong na yun. Kahit ang tumingin sa kanya ay di ko na magawa. Di ko rin napansin na nasa kalagitnaan na kami ng project ni Mr. Hanes. Pati si rence ay nagulat din nung nakwento ko sa kanya ang pag amin ko kay adam. Hindi ko rin makausap si rence ng matagaldahil sa sabay sabay nitong meeting sa labas ng bansa. Hindi rin ako nagkukwento kila mama at papa. Alam ko na napapansin nila na malungkot ako hindi lang sila nagtatanong. Hinahantay lang siguro nila na magkwento ako. Habang nagddrive ay napalingon ako sa lalaking naka motor. Bigla kong naalala si adam. Aaminin ko namimis ko na siya yung tingin niyang seryoso at yung ngiti niyang nakakaloko. Mahal ko pa rin siya. Sa kabila nang madrama naming eksena. Habang

