Annie POV Pagdating ko galing trabaho ay nakita ko ang isang bouquet ng bulaklak na nasa pinto ko.Binasa ko ang card na nakadikit. "Only yours Adam". Basa ko. Halos dalawang linggo na nang magtapat sa akin si adam.Pagkatapos nun ay panay na ang pag iwan niya ng bulaklak sa tapat ng pinto ko. Hindi rin naman kame nagkakasalubong o nagkikita dito sa condo dahil maraming meetings ang pinupuntahan niya at gabi na siya nakakauwi. Ganun siguro pag boss. Pagpasok ko sa kwarto ay nilapag ko sa sofa ang bulaklak. Yung ibang bouquet ay nalalanta na pero wala akong balak itapon natutuwa kasi ako pagnakikita ko ang mga ito lalo na pag gising ko sa umaga. Pakiramdam ko kasi parang nasa tabi ko lang si Adam.Kahit na gusto gusto ko siya ay wala pa akong balak na sagutin siya. Gusto ko munang magpakip