HTSB C-4

1342 Words
Napakunot nang noo si Annie sa titig nito. "Bakit ganyan ka makatingin?" "Bebelabs ang seksi mo kasi kahit madungis ka", nakangising sabi nito. Tinaasan niya ito ng kilay. "Nakikita mo itong kamay ko, gusto mo pumilipit yang leeg mo", inis na sabi ni Annie. "Wag bebelabs joke lang naman yun", sabi nito na alanganing tumawa. Nilingon naman nito ang papa niya. "Tito Jun tapos na po yung sasakyan?, kukunin na daw po kasi nung may ari." "Oo buti naayos ni Annie, bilib talaga ako sa anak ko na ito" "Bebelabs iba ka talaga" nakangiting sabi nito. "Kaya in love ako sayo eh", dugtong ulit nito. Matalim na titig ang binigay niya kay balong. At bigla itong kinuwelyuhan. " kung wala ka nang sasabihin umalis kana. Agad na inawat siya ng papa niya. Halata nitong naiinis na siya. "Balong tigilan mo na pang aasar kay Annie baka abutin ka sa hospital. Natatawang sabi ng papa niya. Tila tumalab kay balong ang sinabi ni annie. Nakita ni Annie na natakot ito kaya binitawan niya ito. "Ikaw naman di kana mabiro," natatarantang boses nito. "Papunta na po Tito Jun yung may ari. Binigay ko na lang yung address kayo na pong bahala. Alis na po ako", mabilis na sabi ni balong at agad sumakay ng motor. Sinundan lang ng tingin ni Annie si balong " Nak pagpasensyahan mo na yang si balong, malakas lang talaga ang tama sayo", sabi ng ama at umakbay sa kanya. "Buti papa nakapagtimpi pa ako kung Hindi bukol aabutin niya saken. " tama na yan nak, umaandar na naman yang pag ka tigasin mo" sabi ulit na natatawa. "Pagpapasok ka ng opisina muka kang anghel pero pag nasa talyer ka daig mo pa yung mga kontrabida sa pelikula. Biro ulit nito. " papa talaga,... Sagot niya tila naglalambing. "lilinisin ko na po ang sasakyan para pag dating nung kukuha ay ok na". Tumango lang ito at tinapik siya braso. _______ "Tao po," tawag ng lalake na nasa labas ng talyer. "Nandito na yata yung kukuha" bulong ni Annie. Agad niyang pinuntahan ang tumatawag sa labas ng talyer. Laking gulat niya nang makita and driver ni Adam na si manong pido. "Manong pido bat ho kayo nandito" tanung niya. Ilang Segundo din na Hindi nakasagot ang matanda tila nagiisip kung kilala ba siya nito. "Manong pido si Annie po ito. Yung staff ni boss adam sa Fuentes corp." Pagpapakilala niya. "Ahh oo yung magandang chinita" biglang sabi nito. Yun kasi ang tawag sa kanya nito nung minsang tinulungan niya ito sa magnanakaw. "Anu po palang sadya ninyo"? Tanung niya biglang nahagip ng paningin niya ang lalaking baka fullface helmet at black leather jacket. Dala nito ang big bike na motor na Hayabusa. "kukunin na sana namin yung sasakyan kung ayos na", Takang titig ang binigay niya sa matanda. "Yung magandang sasakyan po ba na yun" turo niya na nasa likuran niya. "Oo yan nga", "Pwede niyo na pong kunin, naayos na po", Napansin niya na lumabas din ang papa niya." Kayo ho ba ang kukuha", tanung ng papa niya sa matanda. "Oho, may kasama po pala ako siya po ang magbabayad" sagot naman ni manong pido. Nilingon nito ang lalaking nakatayo sa motor. Nanlaki ang mata ni Annie nang naghubad ito ng helmet Hindi niya akalain na si Adam pala ito. Humakbang ito papalapit sa kanila. Bigla siyang nahiya dahil ang dungis niya hahakbang na sana siya papasok ng opisina ngunit hinawakan ng papa niya ang braso niya. "Magandang araw po, naayos po ba ang sasakyan?, tanung ni Adam. Hindi nakapag salita si Annie buti nalang ang papa niya ang sumagot. "Pwede na sir, buti na lang naayos nitong anak ko," Ms. Annie?, takang tanung ni Adam tila nakilala yata siya nito kahit ang dungis niya. "He he hello boss", alanganing sagot niya Napansin niyang ngumiti ito ng bahagya pero bigla ding sumeryoso. " boss mo pala siya nak?, sabad ng papa niya. "Oo pa," matipid niyang sagot. Tinitigan muna siya ni Adam bago binaling ang tingin sa sasakyan na nasa likod niya. "Buti po naayos, marami na pong talyer ang pinagdalhan nito dito lang pala maayos, anyway ms. Annie thank you. Nakangiting sabi nito Ms. Annie thank you Ms.Annie thank you Paulit ulit na sinasabi ng isip niya. Parang tinutunaw ang puso niya nang marinig ang sinabi ni Adam. Hindi niya akalain na mag papasalamat sa kanya si Adam. Parang nag bukas ang langit sa harap niya. Ibang iba ito pag nasa opisina kung ikukumpara ito na kausap niya ngayon. Hindi niya maiwasang mapangiti. Hinawakan niya ang bibig baka bigla siyang mapasigaw dahil sa sayang nararamdaman. Mabilis siyang pumasok sa opisina ng ama hinawakan niya ang dibdib ramdam niya ang malakas na pintig ng puso niya. Pisti para akong malalagutan ng hininga dahil sa kanya. Mayamaya pa ay pumasok din ang papa niya kasama si Adam habang si manong pido naman nakatayo sa tabi ng motor. Pasulyap sulyap lang si Adam sa kanya. Habang siya di makatingin. Iniisip niya sana masira ulit ang sasakyan nito at magpagawa ulit sa kanila. Napailing siya nakita ni Adam iyon kaya binigyan siya nito ng takang titig. Pilit na ngiti lamang ang binigay niya. Saglit lang ang usap ang papa niya at si Adam, pagkatapos magbayad ay sumakay na si mang pido sa sasakyan upang I drive pauwi. Habang si Adam ay sumakay naman sa motor nito. Hayyy ang hot mo talaga sana bumalik ka ulit. Isip niya habang nakangiti. Kitang kita ng papa niya ang di maalis na ngiti. "Nak mukang tinamaan ka sa kanya" Biro nito at kumaway kila Adam habang papaalis. "Hindi naman masyado pa", "mukang in love ang anak ko", sabi ulit nito. Hindi na nagsalita pa si Annie agad niyang inayos ang mesa ng papa niya. Nahagip ng tingin niya ang salamin. Nakita niyang ang dami pala niyang grasa sa mukha. Ginulo niya ang buhok na tila maiiyak. "Ganito pala itsura ko kanina pa hayy anu ba yan", Adam POV Habang tinatahak ang daan pauwi di ko maiwasang mapangiti nung maalala ang itsura ni Annie. May grasa ang mga mukha at hita niya pero kita ko pa rin ang kagandahan niya at balingkinitan niyang katawan. Dagdag pa dito na siya ang umayos ng sasakyan ko. Napailing na lang ako binawi ko reaksyon at itinuon ang atensyon sa pagddrive. ------ "Manong pido magkakilala po pala kayo ni Annie." Tanung ko habang bumababa ito ng sasakyan. "Oo sir, mabait yun si ms. Annie, nung minsan po kasing bumaba ako nang sasakyan ay naiwan ko po yung pinto ng kotse na bukas." Nahinto ito sa pagsasalita tila may gustong aminin. " pasensya na sir ha. Nasaktuhan po na dumaan si Ms. Annie napansin niya may taong nag bukas ng pinto kukunin po sana yung laptop na nasa driver seat. Buti nalang naunahan ni Ms. Annie binugbog niya yung magnanakaw wasak nga po ang mukha. Di ko akalain na magaling siya s martial arts. Wala pong nakuha yung magnanakaw kasi tumakbo po kahit paika ika na. Kunot noo kong pinagmasdan si mang pido di ko alam kung matutuwa ako dahil sa pag amin niya o maiinis dahil sa magnanakaw. Ganun paman nalaman ko na Hindi basta babae lang si Annie, nakakatakot din pala siya. Napahawak ako sa sintido ilang saglit din ay pumasok na ko sa bahay. "Pasensya na ulit sir!, pahabol na sabi ni mang pido. Kumaway lang ako sa kanya habang naglalakad. ------ Someone POV "Hala ate pinang anung nangyayare sayo?" Tanung nang kapatid nung makitang tulala si Annie. "Panira ka ng moment", masungit na sagot niya. Lagi niyang inaalala ang pagpunta ni adam sa talyer. Mukang di siya maka move on sa pagpapasalamat nito. Napahawak pa siya sa kabilang pisngi niya na tila namumula. " ate!!!!" Malakas na sigaw ng kapatid niya. Halos mahulog siya sa sofa dahil sa lakas ng tawag nito sa kanya. "Anu?!!" Tanung niya na tila naiinis. "In love ka ate??" Napaubo siya ng bahagya. "Anu ngayon kung in love ako." Hindi na niya hinantay magsalita ang kapatid mabilis siyang umakyat at pumasok sa kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD