Dahan-dahang kumatok si Annie sa opisina ni Adam. Tinawag siya nito dahil sa report na hinihingi nito sa kanya. "Come in" Binuksan niya ang pinto at tahimik na naglakad papunta sa harap ng boss. "Good morning sir" bati niya at nilapag ang ilang pirasong papel. "Eto na po yung hinihingi niyo, ok na po yan", "ok" matipid na sagot nito. Ilang Segundo din na nakatayo si Annie sa harapan nito na tila gusto pang mag stay sa opisina ng boss. "You can leave it thank you", seryosong sabi nito na hindi pa rin siya nililingon. Parang nanunuyo ang lalamunan ni Annie hindi niya alam ang sasabihin. Ayaw din humakbang ng paa niya. "Is there anything else?" Tanung nito at tumingin na sa kanya. Napa crossed arm pa ito. Na tila nagsasabi na pwede na siyang umalis. Napakurap siya sa gestured ni Adam