Bigla nalungkot si David, "Shan, huwag ka ng magtrabaho. Kaya naman kitang buhayin bakit kailangan mo pang magtrabaho?"
"David, gusto kung magtrabaho ako at kumita para makapag-ipon."
"Hindi ba pinag-usapan na natin iyan na pag-uwi ko magsasama na tayo? Na pakakasalan na kita?
"David, maganda naman ang trabaho mo diyan. Huwag ka nang umuwi, diyan ka na lang."
"Bakit? Susunod ka ba sa akin?" masayang tanong ni David. Alam niya na pangarap rin ni Shantelle magtrabaho sa ibang bansa tulad ng US.
"Hindi! David, pag-usapan na lang natin ito sa susunod. May gagawin muna ako, ha?" agad pinutol ni Shantelle ang usapan, hindi niya alam kung papaano niya sasabihin kay David ang sitwasyon niya.
"Shan..." magsasalita pa sana si David pero naputol na ang kabilang linya.
Napaupo si Shantelle sa sahig, niyakap niya ang mga tuhod at nagsimulang tumulo ang mga luha niya. Hindi na ako karapat-dapat kay David! Isa na akong maruming babae! Wala na akong mukhang ihaharap sa kanya.
Ayaw niyang maging hadlang sa mga pangarap ni David. From this moment on, she could only wish him well.
Napadaan si Uncle Dan sa masters bedroom, nang marinig niyang umiiyak sa Shantelle, napailing siya. 'Parang labag sa loob ang pagpapakasal ni Young Mistress kay Young Master Hao.'
Ni-lock ni Shantelle ang pinto, walang nagawa si Uncle Dan kahit anong katok at tawag niya kay rito ay hindi siya nito pinagbuksan. Hindi ito kumain o uminom man lang. Nabahala na si Uncle Dan nang sumapit na ang alas singko ay hindi parin lumalabas ito sa kwarto. Agad niyang tinawagan si Stanley para sabihin iyon.
Nasa kalagitnaan ng meeting si Stanley nang tawagan siya ni Uncle Dan. Iniwan niya ang meeting at nagmadaling magmaneho para umuwi.
Sa bungad pa lang ng pintuan si Stanley, sinalubong na siya ng nag-aalalang si Uncle Dan. "Young Master, simula ho kanina umaga ay hindi pa lumalabas ang Young Mistress. Baka ho ano na ang nanyari sa kanya."
Nagmadaling umakyat si Stanley at tinungo ang masters bedroom.
Standing outside the door, he said, "Shantelle, you have five seconds to open the door. Otherwise, you have to bear the consequences."
Pagkatapos sabihin iyon agad na bumukas ang pinto.
"Bakit hindi ka kumain? Bakit ka nag-lock ng pinto? Gusto mo na bang mamatay na?" madilim ang mukha na wika ni Stanley.
Hindi sumagot si Shantelle, tumalikod lang siya at tinungo ang kama at naupo.
"Naghanda ng pagkain si Uncle Dan, bumaba ka na at kumain," malamig ang tono na wika ni Stanley.
"Leave me alone, ayokong kumain hindi ako nagugutom."
"Follow me down, kung hindi ka kakain hindi ka puwedeng matulog ngayong gabi!" wika ni Stanley. Nagpipigil lang siya ng galit niya.
"Bakit ba ang kulit mo? Ayoko ngang kumain, hindi ba?" naiinis na wika ni Shantelle.
Hindi na nagsalita pa si Stanley, hinila niya sa kamay si Shantelle para bumaba.
Mabibigat naman ang hakbang na sumunod si Shantelle.
Shantelle was dragged downstairs to the dining room and sat down at the table, trembling from the danger.
Stanley sat beside her with a gloomy expression. His long and healthy legs were crossed gracefully and elegantly. His hands were crossed over his chest as he watched her every move.
Nilapag ni Uncle Dan ang mga pagkain sa harap ni Shantelle at sinabi, "Young Mistress, kumain ka ng marami."
Dahil wala sa mood si Shantelle, wala rin siyang gana kumain. Kahit na masasarap lahat ang mga nakahandang pagkain sa harapan niya.
"Bakit hindi ka pa kumakain?" nakakunot noong wika ni Stanley.
Tiningnan lang ito ni Shantelle, kinuha niya ang chopsticks at nilagyan ng pagkain ang kanyang plato. Mabilis niyang sinubo ang pagkain sa bunganga niya. Halos subo at kunting nguya lang sabay lunok ang ginawa niya.
Habang kumakain naman siya, may mga luha na namumuo sa sulok ng kaniyang mga mata.
Hindi nakaligtas iyon sa paningin ni Stanley, bakit siya umiiyak?
Nang maubos ni Shantelle ang pagkain sa plato at akmang kukuha ulit, agad na itong pinigilan ni Stanley.
"Enough!" Stanley roared. If she ate like this, it would be even worse for her health.
Nagulat si Shantelle sa biglang sigaw ni Stanley, napaangat siya ng tingin at nagkasalubong ang tingin nilang dalawa.
"Do you really think that I have the time to care whether you eat or not? Shantelle, don't you want to die? Go on, no matter how you die, I will bury you no matter what. I even gave you a great funeral, and I buried you in such a grand manner that everyone would know about it." Stanley said angrily.
Napabuntong-hininga si Shantelle, ibinaba niya ang chopsticks na nasa kanyang mga kamay at sinabi, "Hindi ako magpapakamatay, ni ayaw ko rin mamatay. So, don't even think about burying me."
"Ayaw mo mamatay pero bakit hindi ka kumain?"
"Magana naman talaga ako kumain kapag nasa mood ako. Pero ngayong araw, kahit anong gawin ko wala talaga akong gana kumain. Mahirap bang intindihin iyon?"
"Uncle Dan, sa susunod na hindi siya kumain pabayaan mo na lang siya. Total gusto naman niya magutom."
"Pero Young Master–“ hindi na naituloy ni Uncle Dan ang sasabihin. Tinikom na lang niya ang bibig, alam niya na nag-aaway na naman ang mag-asawa.
Hindi na sumagot pa si Shantelle, napayuko na lang siya at sinabi, "Puwede ba akong bumalik sa See Family mamaya."
"Are you begging me?" Stanley smiled coldly.
"Yes." matigas ang tono na sagot ni Shantelle.
Stanley mocked, "you're asking with no sincerity."
"Ano ba ang dapat kong gawin para payagan mo ako?"
"Kiss me!" wala sa sariling tugon ni Stanley.
Agad naman tumayo si Shantelle, yuyuko na sana para humalik ng magsakita ito, "punasan mo muna iyang bibig mo."
Agad kumuha ng pamunas si Shantelle at pinunasan niya ang kanyang bibig at hinalikan sa pisngi si Stanley. Ayaw na niyang makipagmatigasan pa baka hindi siya payagan.
"Uncle Dan, paki sabi sa driver na ipagmaneho siya papuntang See family..." utos ni Stanley.
"Yes, Young Master!" Uncle Dan was watching on the side and also felt it was interesting.
Although this young mistress looked very stubborn, she seemed to be rather liked by the young master.
Agad na tumayo si Shantelle, umalis siya na parang walang pakialam sa mundo.
Stanley looked at her figure and narrowed his eyes. She was in See Family, did she have something important? It had something to do with that man called David?
Paglabas ni Shantelle, nag-aantay na ang sasakyan agad na siya sumakay para pumunta sa See Family.
Wala sa plano niya na bumalik roon. Kaya lang, may importante siyang bagay na kukuhanin kaya napilitan siyang pumunta.
However, the moment she stepped through the door of See Family, she was immediately scolded by her aunt, Merry. "Shantelle, ang kapal ng mukha mo para bumalik pa rito! Isa ka talagang ingrata!"
"Auntie."
"Huwag mo na nga ako matawag-tawag na aunte!" pairap na wika ni Merry.
"Naparito lang ho ako para kuhanin ang ibang gamit ko, aalis din po ako agad..." wika ni Shantelle.
Pipigilan pa sana siya ng Auntie niya ng biglang lumabas ang Uncle niya at sinabi, "hayaan mo na siya."
Nagmadaling umakyat sa hagdanan si Shantelle at tinungo ang dating kwarto niya.
"Huwag!" sigaw niya. Nadatnan kasi niya sa loob ng kwarto si Ashley, nakasuot pa rin ito ng damit pangkasal habang may hawak sa guting at isa-isang ginugupit ang mga pictures ng mama niya.
"Ashley, ano ba? Bakit mo pinapakialaman ang mga gamit ko?" wika ni Shantelle habang pilit inaagaw ang mga pictures sa kamay ni Ashley.