Susubukan ko..

1028 Words
Lumabas din naman agad si Cardo ng kusina nang makita niya ako. Kaagad ako sinalubong ni Maria na hinde ako matignan sa aking mata, Pero wala naman sa akin kung ano ang gingawa nila dahil alam ko naman na may Relasyon sila kahit hinde nila sabihen sa akin. "Ok ka naba Señorita Sophia?" " Oo Maria may itatanong lang sana ako kaya nagmadmadale ako na makita ka" Naupo ako sa upuan na nakita ko at ganoon din siya. "Maria anong nangyare last night?" "Mataas ang lagnat mo Señorita kagabi, Kasi hinde ka man lang nakapagpalit nang basa mo na suot bago ka matulog" Narinig ko na sagot niya sa akin. Pero hinde iyon ang gusto ko marinig na sagot niya sa akin. "Ang ibig kong sabihin Maria Ahhhm..Nagpunta ba dito kagabi si Ashlem?' Nakita ko na nag-isip pa siya kung dapat ba niya sagutin ang tanong ko. "Oo Señorita nagpunta siya dito kagabi at pinilit niya na makita ka, Pero hindi pumayag si Boss Aron, Ang akala ko pa nga magpapang-abot na naman sila buti na lang din dumating si Señorito Lambert at napigilan sila. Kaya umuwe na lang siya na malungkot, dahil hinde ka niya nakita, At nakita ko din ang labis na pag-aalala niya nang malaman niya na may sakit ka" Mahabang sagot ni Maria sa tanong ko sa kanya, kaagad din ako nag-paalam sa kanya at muli akong bumalik sa aking kwarto. Nahiga ako sa kama ko at muling binasa ang ibang message. Ashlem: I'm sorry honey may sakit ka pala, magpagaling ka ha. Ashlem: Hinde talaga ako makatulog. gusto ko talaga makita ka. At gusto ko ako ang nasa tabi mo para maalagaan ka. Ashlem: Magpalakas ka ha' hinintayin ko ang muli natin pagkikita. Ashlem: Honey' alam mo ba na totoo ang sinabe ko na Mahal kita. Ashlem: Hinde talaga ako makatulog sana bukas ok na Ang pakiramdam mo. Ashlem; Honey hinde ko alam kung paano ang manligaw, pwede ba na ipaalam mo sa akin kung paano? Marami pang message siya na nabasa ko na halos karamihan ay hinde raw siya makatulog habang iniisip ako. At labis daw ang pag-aalala niya sa akin. At may bago ako na message na nabasa na kapapasok pa lang. Stella: Sophia huwag mo Kalimutan ang Yung promise mo bukas ah? hihintayin kita. At alam ko magaling kana narinig ko sa pag-uusap ni Maria at Lorena sa phone. Oo nga pala bukas na ang kaarawan ni Lambert, Siguro naman kung mag-papaalam ako nang maayos kay Kuya Ron-Ron papayagan niya ako. Nang gabi din na iyon ay hinintay ko na pumasok sa kwarto ko si Kuya Ron-Ron. Hinde naman ako nabigo dahil bago ako matulog ay nakangiti siya na pumasok sa kwarto ko. Naupo pa siya sa gilid ng kama ko. "Kamusta na pakiramdam mo? Ok kana ba?" Tumango ako sa kanya. Habang hinahaplos niya ang buhok ko. "Magpahinga kana, Aalis kami ni Cardo bukas. Kaya kayo lang Maria ang maiiwan dito" Sabe niya sa akin hinalikan muna niya ako sa noo ko at sabay tayo niya. Pero bago siya makalayo sa akin para lumabas sa kwarto ko, Nagsalita ako. "Kuya Ron-Ron?" Lumingon naman siya sa akin. "Ahhmm..Kuya Birthday kasi ni Lambert bukas. Nakapangako na kasi ako kay Stella na pupunta bukas sa Kanila.. Ahmm pwede ba...?" "Yes Dimple basta isama mo si Maria at lagi ako tatawag sa'yo habang naruon ka" Dahil sa Kanyang sinabe napatayo ako sa kama ko at yumakap sa kanya. "Thank you Kuya Ron-Ron" Masayang sabi ko sa kanya, naramdaman ko naman na gumanti rin siya nang yakap sa akin. "Basta para sa kaligayahan mo, Nandito lang si Kuya Ron-Ron para sa'yo" Magaang ang aking pakiramdam bago ako nakatulog. Kinabukasan Hinatid muna kami ni Kuya Ron-Ron at Cardo sa Hacienda Casivue, Kaagad naman Sumalubong sa amin ang Tuwang-tuwa na si Stella. Paglapit niya sa amin kaagad siyang kumapit sa Siko ko. "Aalis na kami titignan namin kung masusundo namin kayo, Pero pipilitin ko ha" Nakangiti na sabe sa akin ni Kuya Ron-Ron. "Sige Kuya mag-iingat kayo ha' At salamat" Nakangiti ko naman na sagot ko sa kanya. Pinisil niya muna ang ilong ko at tuluyan na silang bumalik ni Cardo sa loob ng sasakyan. Pagpasok sa loob naman ng Bahay hinde humiwalay sa akin si Stella hanggang sa Marating namin ang Kusina. "Sophia Wala kaba napapansin na kakaiba sa tinawag mo na Kuya Ron-Ron?" Biglang naitanong sa akin ni Stella habang nagbabalot kami ng Shanghai para mamaya sa magaganap na birthday ni Lambert, Dahil naikwento ko narin sa kanya na si Aron ay si Kuya Ron-Ron ko na kababata ko. "Anong ibig mong sabihen Stella?" Tanong ko sa kanya. Habang nasa Shanghai parin na binabalot ang atensyon ko. "Ahhh.. Wala naman! Nasa iisang tao lang kasi ang atensyon ng isip at puso mo, Kaya binabalewala na ng mata mo kung ano ang pwede mo pang makita, para ituro din niya sa puso mo ang tamang tao" Nabaling na ang atensyon ko sa kanya dahil sa kanyang sinabe. "Stella ayaw mo ba kay Ashlem para sa akin?" May pagtatampo sa boses ko habang tinanong ko sa kanya iyon. "Hinde naman sa ganoon Sophia, Ang sa akin ayokong maranasan mo ang mabigo" "Hinde ba kasama naman sa buhay natin ang mabigo? Kaya tatanggapin ko kung ano man ang kakahantungan ng nararadaman ko' Gusto ko subukan Stella!" Sagot ko naman sa kanya. Dahil alam ko kung ano ang Isang Ashlem Casimiro, Siya kasi ang tao, Na kahit na sinong babae na seryoso sa Isang relasyon ay hinde siya tatanggapin, Dahil hinde siya naniniwala sa kasal. Pero gusto kong subukan. Gusto kong itaya ang pagmamahal at sarili ko. Kung kaya ko bang baguhin ang pananaw ng Isang Ashlem Casimiro.. "Ikaw ang bahala Sophia. Basta tandaan mo, palagi ako nasa iyong tabi at na sa'yo ang suporta ko" "Salamat Stella' Basta kung darating man na mabibigo ako sa unang pagkakataon, Sisiguraduhin ko naman sa pangalawang pagkakataon ay hinde na iyon mangyayari" Sagot ko naman sa kanya. Hinde ko alam kung bakit ganoon ang naging sagot ko sa kanya. Bakit parang nakaramdam ako ng kaba sa sinabi kong unang pagkakataon? at bakit sumagi din sa isip ko na may pangalawang pagkakataon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD