Pagbalik namin sa Hacienda Mondragaon kaagad ako nagpahanda kay Maria na gagamitin para magamot ko ang mga sugat ni Aron. Nakaupo kami sa sofa sa may Sala habang dinadampian ko nang gamot ang ilang galos niya at ang putok na labi niya. Gusto ko maasiwa sa pagkatitig niya sa akin. Kaya mabilis ko nang tinapos ang aking ginagawa para makaakyat na ako sa kwarto ko,
"Magpahinga kana Aron aakyat na ako sa kwarto ko para makapagpalit narin ako ng damit"
Nasa unang hagdan pa lang ako nang bigla siya nagsalita.
"Sophia hinde mo ba tatanungin kung sino ako? Dahil alam ko na narinig mong tinawag kitang Dimple"
Napahinto ako sa kanyang sinabe. alam ko ang kanyang ibig sabihin, Tama siya narinig ko iyon kaya alam kona kung sino talaga siya.
" Bakit kapa bumalik kuya Ron-Ron?"
May pagtatampo sa boses ko habang sinasabe ko sa kanya iyon na nakatalikod ako sa kanya.
"Dimlpe bumalik ako rito para tuparin ang pangako ko sayo, diba sabe ko babalik ako sa tamang panahon? kaya nandito na ako!"
"Bakit ngayon lang? Ang tagal kitang inantay kuya, Yung puno na inukitan mo nang pangalan natin dalawa inlagaan ko, Hinde ako pumayag na ipaputol ni Daddy dahil umasa ako na tutupad ka sa pangako mo!"
"Dimple...."
"Sabi mo pa sa akin lagi kang susulat. lagi mo rin ipapaalam sa akin kung ano ang mga ginagawa mo! Hinde rin ako pumayag sa kagustuhan ni Mommy na sumama sa kanya sa Spain dahil umaasa ako na babalik ka! Umasa ako sa mga pangako mo! Pero habang tumatagal nawalan na ako ng pag-asa. Tapos ngayon na meron nakikilala ang puso ko saka ka babalik! para ipaalala sa akin na alalahanin kita?"
Umiiyak ko nang sabi sa kanya. Dahil siya ang kababata ko na inampon ni Daddy na umalis din dahil kailangan niya mag-aral para may mapatunayan daw siya at hinde yung umaasa lang sa tulong ni Daddy. Naging malapit kami sa isa't-isa dahil wala ako nakamulatan na kapatid. Kaya nang mga panahon na iyon hinde ko pa alam kung ano ang ibig sabihin nang lagi niya sinasabe na babalik siya para sa akin. Umasa ako sa mga pangako niya, Kahit alam ko sa sarile ko na hanggang pagtingin kapatid lang ang tingin ko sa kanya. Pero labis pa din ako nasaktan sa ginawa niyang tila paglimot sa akin.
"Dimple nandito na ako! Pangako hinde na ako muli pang-aalis sa iyong tabi"
Pero hinde na muli akong tumugon sa kanyang huling sinabi. Nagamadale ako na umakyat sa hagdan papunta sa kwarto ko. Duon ay dumapa agad ako sa aking kama dahil sa sama ng loob na nararamdaman ko kay kuya Ron-Ron Bakit hinde ko man lang siya nakilala na siya pala ang kababata ko, Sobrang laki kasi ng kanyang pinagbago.
Hinde ko alam kung gaano ako katagal na nakatulog sa ganoon na posisyon, Basta naramdaman ko na lang na tila ginaw-ginaw ang buong katawan ko. At tila mainit ang aking mata masakit din ang ulo ko.
Narinig ko ang boses ni Maria sa aking tabi. habang may pumupunas na twalya sa noo ko.
"Boss aron wala paba si Doc? Sobrang taas na po nang lagnat ni Señorita Sophia"
Narinig na pag-aalala sa boses ni Maria habang tinatanong niya si Aron. Pilit ko nang idinilat ang aking mata, Nakita ko na parehas sila nakaupo sa magkabilang gilid ko sa kama.
"Dimple may masakit ba sayo?"
Nakita ko sa kanya ang labis na pag-aalala habang nakahawak siya sa isang kamay ko.
"Kuya Ron-Ron Sorry sa nasabi ko"
"Shhh.. Its ok Dimple, Magpahinga ka lang, huwag muna isipin iyon"
Sagot niya sa akin, Muli ako napapikit dahil ang bigat talaga nang aking dalawang mata, pero naramdaman ko na may dumampi na mainit na labi sa noo ko. alam ko na si Kuya Aron iyon, dahil madalas niya iyon gawin sa akin noong araw.
Hinde ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. Basta paggising ko maayos na ang pakiramdam ko. Bumukas ang pintuan ng aking kwarto. Nakita ko ang nakangiting si Kuya Ron-Ron na pumasok sa kwarto ko.
"Good Morning Dimple"
Nakangiti niya na bati sa akin habang may hawak siya na Isang tray na may nakapatong na pagkain.
Umayos na ako nang upo sa kama. Naupo naman siya sa gilid ng kama na nakaharap sa akin at nilapag niya ang tray na hawak niya sa mesa at kinuha ang mangkok na nakita ko na umuusok pa dahil sa mainit ito.
"Kainin mo ito Dimple, Hinde ka nakakain kagabi. Kaya Alam ko na gutom kana"
Sabe niya sa akin, Habang siya pa ang nagsubo ng mainit na sopas sa bibig ko gamit ang kutsara . Nakatingin ako sa kanya habang ginagawa niya iyon.
Dahil muli nga na bumalik si Kuya Ron-Ron ko. Halos maubos ko ang sopas na dinala niya. Nang masiguro niya na tapos na ako kumain at nakainom na ako nang gamot. Nagpaalam na siya sa akin dahil may kailangan daw siya na asikasuhin.
Habang nagpapahinga ako naisipan ko kunin ang phone ko na nasa ibabaw nang lamesa na nasa gilid ng kama ko.
Nagulat pa ako pagkabukas ko nito. Dahil ang daming Missed Called.
31 Missed Called At 20 Messages. At Iisang pangalan lang ang nagmamay-ari ng lahat ng iyon. Kay Ashlem Casimiro
Ashlem Casimiro: Honey sagutin mo ang tawag ko:
Ashlem Casimiro: Galit kaba sa akin?"
Ashlem Casimiro: Pakiusap sagutin mo kahit ang message ko lang!!"
"Ashlem Casimiro: Pag hinde mo sinagot ang tawag ko ngayon pupuntahan kita diyan!! At Pag hinde ako pinapasok ni Aron diyan para makita ka! tutuluyan ko na siyang lulumpuhin!!"
Dahil sa huling nabasa ko na message napabalikwas ako mula sa pagkakahiga at nagmadali na bumaba. Hinde ko na pinag-aksayahan na basahin ang ibang message niya.
Hinanap ko kaagad si Maria. Mabilis ko naman siyang makikita dahil madalas ay sa kusina talaga siya naglalagi. Pero dahil sa kakamadali ko hinde ko nakita na may kasama pala siya sa kusina. Si Cardo na tila may ginagawa silang kakaiba habang nakaupo si Maria sa lamesa at si Cardo naman ay hinahalikan siya sa dibdib niya habang nakataas ang kanyang damit at bra.
Huli na para tumalikod pa ako dahil tuluyan ko nang nakita ang kanilang ginagawa. Nakita ko rin na kaagad nang naitulak ni Maria si Cardo na tumama pa ang likod sa malaking Refrigerator, Nagmamadali naman na bumaba si Maria sa lamesa habang inaayos ang kanyang suot at para salubungin ako..