'"ASHLEM!!" Sigaw ko sabay lapit ko sana sa kanya,Pero napahinto ang paglapit ko sana sa kanya dahil bigla ako hinawakan sa aking siko ni Aron, Dahilan na rin para mapatingin ako kay Aron.
"Bakit nagawa mo ito Sophia?"
Tanong niya sa akin na nakabakas sa kanyang mukha ang labis na hinanakit, Hinde ko alam kung bakit ganoon ang nababasa ko sa mga mata niya.
"Bakit Aron anong nagawa ko?"
Tinignan niya ang basa na katawan ko at muling bumalik ang kanyang paningin sa mukha ko.
"Bakit nagawa mong sumama sa kanya?"
"Wala naman kaming ginawa na masama Aron!"
Sagot ko naman sa kanya dahil parang alam ko na ang kanyang ibig sabihin sa kanyang tanong sa akin. Habang kausap ko siya hinde ko napansin na nakatayo na pala si Ashlem mula sa pagkalugmok sa lupa.
"Bakit kailangan mo tanungin ng ganyan si Sophia?"
Narinig ko na boses ni Ashlem kaya nabaling na sa kanya ang aking paningin, Nakita ko ang kanyang mata na tila nanlilisik sa pagkatitig kay Aron, At sa kamay ni Aron na nanatili na hawak pa din ang aking siko.
"Anong Karapatan mo naman na dalhin si Sophia kung saan mo man naisin!!?"
Sagot naman ni Aron sa himig na pagalit, Naramdaman ko rin ang kamay niya na humigpit sa pagkakahawak sa siko ko. Hinila din niya ako para mailapit sa tabi niya dahil nakita ko na unti-unti lumalapit si Ashlem sa amin.
"Ano din naman ang karapatan mo para itanong sa akin iyan! At hawakan si Sophia na tila pag-aari mo!!"
Sagot naman ni Ashlem na tumigil na sa paglapit sa tapat namin ni Aron, Pero isang Hakbang lang ang pagitan niya sa amin at na kay Aron ang kanyang nanlilisik na tingin.
"Ashlem..."
Nabigkas kong bigla ang kanyang pangalan dahil kinakabahan na ako sa kanilang dalawa ni Aron na parehong seryoso at kapwa tila may galit na sa isat-isa.
"Dam'n You!! Ashlem Casimiro!! Kilala kita kaya huwag si Sophia! Huwag mo siyang isama sa mga babaeng niloko at sinaktan mo lang!!
"Bakit gaano mo ba ako kakilala para sabihen mo sa akin iyan!! At paano ka nakakasiguro na kaya kong gawin sa kanya ang sinasabe mo!!"
Galit na tanong ni Ashlem kay Aron. Bigla naman nabaling ang tingin sa akin ni Ashlem kasabay din nun na nawala ang kanyang galit sa kanyang mata.
"Aaminin ko marame ako pagkakamali na ginawa sa buhay ko, At alam ko rin na hinde ako karapat-dapat sa isang tulad ng isang Sophia Mondragon, Pero Sophia tulad ng sinabe ko kanina sa Batis susundin ko kung ano ang sinasabe nang puso ko, Ngayon ko lang sasabihen ang salita na ito sa isang Babae 'Mahal kita! Sophia'
"Gago ka pala eh!! Sinong niloloko mo!!"
Sigaw ni Aron sabay bigwas ulit niya nang suntok sa mukha ni Ashlem na kinatumba ulit nito sa lupa,
"Aron!!!'
Tawag ko sa kanya dahil muli siyang lumapit kay Ashlem para sugurin ulit ito, Pero naging mabilis na si Ashlem dahil nakuha na niyang tumayo agad bago pa makalapit sa kanya si Aron, Na kaagad niyang nasipa paikot. Na kaagad din kinatumba ni Aron, Napansin ko na lalapit sana si Cardo pero hinde ko alam kung aawat ba siya O sasaktan din si Ashlem para ipagtanggol si Aron, Pero biglang lumingon sa kanya si Ashlem na nanlilisik ang mata sa kanya kasabay ang pagbabanta sa boses nito.
"Walang makikialam! Kung ayaw mong masaktan Cardo!!"
Sabe niya dito nakita ko pa ang pagtaas nang dalawang kamay ni Cardo na tila pagsang-ayon sa sinabe ni Ashlem,
"Ashlem tama na"
Pakiusap ko sa kanya, Tumingin naman siya sa akin pero nakangiti siya,
"Tuturuan ko lamang nang leksyon itong lalake na ito, At ipaparamdam ko sa kanya kung paano dapat galangin ang mga salita ko, Dahil sa buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman ito at nasabe ang salita na iyon para sa isang babae!"
"Gago ka! Wala kang karapatan sabihin kay Sophia na Mahal mo siya! dahil hinde ka marunong mag-mahal at magpahalaga ng nararmdaman sayo ng isang babae!"
Dahil sa sinabe ni Aron nakita ko ang labis na galit sa mata ni Ashlem, Kaya muli niya itong sinipa, Pero nakaiwas naman agad si Aron, Pero sa nakikita ko na sukatan nila nang kanilang lakas ay di hamak na mas may alam si Ashlem kung kailan at paano maiiwasan ang bawat pag-sugod ni Aron sa kanya, Kaya natatakot na rin ako sa nakikita ko na paghihirap at pagpupumilit na lumaban sa kanya ni Aron.
"Aron!! AShlem!! Pakiusap tumigil na kayo!!"
Mangiyak-ngiyak ko nang sigaw at pakiusap sa kanila, Pero parehas tila hinde nila ako naririnig. Pero napalingon ako sa pintuan kung saan merong boses na sumigaw'
"Anong nangyayare dito!!?"
Boses ni Lambert habang nasa tabi niya si Stella na kapwa labis ang pagtataka sa kanilang nakikita. Kaya mabilis ako na lumapit sa kanila.
"Stella' Lambert' Pakiusap patigilin mo sila"
Nakita ko ang labis na pag-aalala sa mukha ni Stella habang nakatingin siya sa akin,
"Ano bang Nangyare?"
Pagtataka na tanong niya sa akin, Habang si Lambert naman ay umalis na sa tabi ni Stella para puntahan sila Ashlem at Aron na parehas pa rin nagsusukatan nang kanilang lakas.
"Hinde ko alam kung bakit labis ang galit ni Aron nang makita niya na magkasama kami ni Ashlem"
Sagot ko kay Stella habang sinusundan ko nang tingin si Lambert para pigilan niya ang patuloy na palitan nang suntok at sipa ni Aron at Ashlem. Nakita ko din na lumapit na si Cardo para tumulong na pigilan na ang dalawa.
Nang kapwa na sila naawat nila lambert, Kaagad kami lumapit ni Stella sa kanila. Kaagad din ako lumapit sa tabi ni Ashlem na hawak pa rin ni Lambert, Habang si Aron naman ay hawak ni Cardo. Pero nakasalubong ko ang tingin ni Aron sa akin na parang labis na ang hinanakit na hinde ko alam kung bakit. Pero nakaramdam ako nang awa sa itsura niya dahil ang dami niyang galos sa katawan at pasa, putok din ang kanyang ibabang labi, Pero si Ashlem wala man lang kagalos-galos sa kanyang katawan.
"Sophia Umuwe na tayo!!"
Wala na ako mabasa sa kanyang mukha habang sinabe niya sa akin iyon, Dahil nahabag naman ako sa itsura niya mabilis naman ako lumapit sa kanya at kaagad ko siyang inalalayan palakad, Kaagad din naman na umakbay ang kanyang braso sa balikat ko,
"Sophia...'
Narinig ko na boses ni Ashlem, Lilingon sana ako pero nagpatigil sa akin ang boses ni Aron na tila nakikiusap,
"Huwag kang lumingon sa kanya pakiusap Dimple..."
Hinde ko rin alam kung bakit tila na blanko na ako sa kanyang sinabe at kung ano ang tinawag niya sa akin..