Dream's Gone..

1237 Words
Dalawang araw ang lumipas mula nang mangyari ang pagkalimot ko ng Isang gabi, dahilan para may mangyari sa amin ni Ashlem. Pero wala ako pagsisisi na maramdaman dahil alam ko sa puso ko na mahal ko siya. Pero hinde ko alam kung ano talaga ang nararamdaman niya sa kin. Dahil nawalan na ako ng pagkakataon na makausap siya, Pati ang phone ko na tanging dahilan para makausap siya ay kinuha ni Kuya Ron-Ron dahil iyon daw ang ibinilin ni Daddy. Hinde narin ako hinahayaan na lumabas sa Hacienda. Kaya bumalik na naman ako sa dati kong kalagayan. Pero mas lumala ngayon dahil kahit ang lumabas ng bahay ay hinde pwede. Nagdagdag narin ng tauhan si Daddy para sa pagbabantay sa akin. Kahit si Maria ay hinde ako gaano kinakausap, Dahil nalaman kong napagalitan siya ni Daddy dahil hinde raw niya ako nabantayan ng maayos dahilan para mangyari sa akin iyon. Nalaman ko rin na nagtangka si Daddy na tanggalin siya sa trabaho niya. Pero nagawan ni Kuya Ron-Ron ng paraan kaya hinde siya tuluyan na napaalis sa Hacienda. "Maria..?" Tawag ko sa kanya dahil palabas na sana siya sa kwarto ko pagkatapos niya magdala ng pagkain ko. Lumingon naman siya sa akin pero wala ako mabakas na galit sa kanyang mukha kaya nagpatuloy ako sa sasabihin ko. "Maria patawad" Mangiyak-ngiyak ko nang sambit ko sa kanya. Nakita kong unti-unti na siyang lumalapit sa akin. Kaagad naman niya ako na niyakap. "Señorita Sophia hinde mo kailangan humingi nang kapatawaran, Dahil alam ko naman na may pagtingin ka kay Señorito Ashlem dahil hinde naman iyon maitatago ng mga mata mo at kung paano ka kumilos pag kaharap mo na siya" "Pero dahil sa akin nagalit sa'yo si Daddy at muntikan kana niyang paalisin dito" "Señorita hindi naman ako magagalit sa'yo kahit paalisin niya ako dito! mas importante sa akin ang pinagsamahan natin!" Umiiyak na niyang sagot sa akin. "E bakit ilang araw tila hinde mo ako pinapansin" "Iyon kasi ang ibinilin ni Don Felife dahil iniisip niya na may alam ako sa relasyon ninyo ni Señorito Ashlem" Nakaramdam ako nang habag para kay Maria, Dahil pati siya nadamay sa nagawa ko. "Patawad Maria" Tanging naging tugon ko na lang sa kanya. "Señorita ang alam ko pauwi na si Don Felife ngayon. At narinig ko rin kanina kay Boss Aron na huwag ka papalabasin sa kwarto mo. At narinig ko rin na pupunta si Don Felife sa Hacienda Casivue!" Nakaramdam ako nang kaba sa sinabi niyang pupunta si Daddy sa Hacienda Casivue. Anong gagawin ni Daddy duon? Marami nang tanong sa isip ko. Kahit na alam ko naman ang sagot sa tanong ko. Dalawang araw pa ang lumipas, Kahit sa kwarto ko man lang ay hinde ako nakakalabas. Lagi na lang ako hinahatiran ni Maria nang pagkain dito sa kwarto ko. Nalaman ko rin sa kanya na nakabalik na dito sa Hacienda Mondragon si Daddy kahapon pa. Pero kahit silipin man lang ako ay hinde ginagawa ni daddy. Nagtangka ako na lumabas para makita siya, Pero pinigilan ako nang dalawang bantay na lalaki sa labas ng kwarto ko. Kaya wala rin ako nagawa. Labis ang pighati ang nararamdaman ng puso ko dahil sa ginagawa ni Daddy. Alam ko labis ang hinanakit niya sa akin. Pag bumabalik kasi siya sa Hacienda at kahit saan pa siya galing o kaya sa manila lang. Hinahanap na niya agad ako para yakapin habang sinasabi niyang sobrang na-miss niya ako. Pero ngayon kahit anino o kaya boses niya ay hinde ko makita at marinig man lamang. "Daddy I'm sorry" Mangiyak-ngiyak kong bulong habang nakaupo ako sa kama ko na nakatingin sa saradong pintuan ng kwarto ko. Dalawang araw pa ang lumipas walang nagbago sa akin Narito parin ako sa apat na sulok ng kwarto ko. Hinde parin ako dinadalaw ni Daddy, paminsan-minsan pinupuntahan ako ni Kuya Ron-Ron pero saglit lang siya at lumalabas din agad sa kwarto ko. Hinde niya maitago ang sobrang sama ng loob niya sa akin. Nakiusap din ako sa kanya na gusto mo makausap si Daddy. Pero si Daddy daw ang ayaw muna ako makausap. Kaya kinain na ng kalungkutan ang puso ko. Nalaman ko rin sa kanya na sa makalawa ay idaraos ang kasal namin ni Ashlem dahil hinde raw pumayag si Daddy na hindi ako panagutan ng Isang Casimiro. Hinde ko alam kung matutuwa ba ako, paano nila napapayag si Ashlem na pakasalan ako? At bakit ang bilis naman? Pero hinayaan ko na ang mga tanong ko ang mahalaga ikakasal ako sa lalaking mahal ko. Pag natapos ito hihingin ko ang kapatawaran ni Daddy, Dahil kahit galit siya sa akin kapakanan ko parin ang nasa isip niya. Kaya nakonsenya rin ako dahil nagawa ko na alisin ang tiwala niya sa akin. Isang araw bago maganap ang sinabi ni Kuya Ron-Ron na kasal ko. Nakahiga ako ngayon sa kama ko habang nakatingin sa kisame. Parang gusto ko nang hilahin ang kinabukasan para maganap na ang araw ng kasal ko. Tila nangangarap ako nang gising dahil nakikita ko sa balintataw ko ang masayang pamilya na bubuuin namin ng lalaking mahal ko. Nakatulog ako na nakabakas sa akin ang matinding kagalakan. Dumating ang araw na pinakahihintay ko, Nakasuot ako ng Isang napaka simpleng damit pangkasal, Pero para sa akin ay sobrang ganda na nito dahil heto ang araw na pinakaaasam ko ngayon mula ng mahalin ko ang Isang Ashlem Casimiro. Kahit may pagtataka bakit sobrang bilis pero alam ko rin na walang imposible sa isang Don Felife Mondragon. Habang sakay na ako ng magarang kotse ni Daddy papunta sa Simbahan. Hinde ako mapalagay dahil sa halo-halong emosyon na lumulukob na sa aking buong pagkatao. Huminto ang kotse at may lumapit sa akin na Isang tauhan ni Daddy na hintayin daw ang senyas ng paglabas sa loob ng kotse pag mag-uumpisa na ang kasal. Nakasilip ako sa bintana ng kotse. Nakita ko ang ilang mga bisita na nakasuot sa kanilang magandang kasuotan. Pero labis ang pagtataka ko bakit kahit Isa man lang sa mga kamag-anak ni Ashlem ay wala akong makita. Kahit man lang sana si Stella ay hinde ko makita. Napansin ko narin na nagkakagulo na sa labas. tila ang lahat ng tao sa simbahan ay nagbubulungan na. At hinde narin maganda ang nakikita ko sa kanilang reaksyon sa kanilang mga mukha. Binalak ko lumabas pero kaagad ako pinigilan ng dalawang tauhan ni Daddy. "Palabasin ninyo ako!!! Gusto ko malaman kung ano ang nangyayari!!" Sigaw ko na sa kanila, Dahil nakakaramdam na ako ng matinding kaba sa mga nakikita ko. Kahit si Daddy ay hinde ko man lang nakikita. Pati si Maria o Cardo man lamang. "Señorita Sophia pasensya na po kailangan na natin bumalik ng Hacienda Mondragon!" Sagot sa akin ng isang tauhan ni Daddy. Gusto ko mainis sa kanya. Bakit kami babalik sa Hacienda Mondragon? Hinde pa nga tapos ang kasal ko. "Anong pinagsasabi mo? Hinde pa nga nag-uumpisa ang kasal ko!" Galit ko nang sigaw sa kanya. Dahil masayang ganap sa buhay ko ito. Tapos nakukuha pa niya na magbiro sa akin. "Señorita Sophia Patawad po. Ayon po sa tawag na natanggap ko kanina. Inatake daw po sa puso ang Daddy mo dahil sa Hinde raw po makakapunta sa kasal si Ashlem Casimiro! Ayaw daw po ng lalake na iyon ang pakasalan kayo! Kaya ang Daddy po ninyo ay tinakbo na ni Boss Aron sa Hospital. At ibinilin rin po niya na bumalik na raw tayo sa Hacienda Mondragon"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD