Sa unang pagkakataon nakuha ko manakit ng tao. Dahil halos manlisik ang mata ko sa galit sa pagkakatingin sa kanya, Kasabay nun na dumapo ang palad ko sa kabilang pisngi niya.
"Anong sinabi mo?!" Hinde kayo binabayaran ni Daddy para biruin ako!!"
Galit kong sinabe sa kanya. Dahil umaasa ako na Isang biro lang ang lahat ng ito. Umaasa ako na kahit galit sa akin si Daddy ay ihahatid parin niya ako sa lalaking mahal ko. At ang lalaking mahal ko na si Ashlem naman umaasa rin ako na tuwang-tuwa na naiiyak pa dahil hihihintay niya ako sa loob. Sinampal ko ulit siya ng paulit-ulit. Habang Paulit-ulit kong sinasabi na bawaiin niya ang sinabi niya at sabihin niyang nagbibiro lang siya.
"Pakiusap s'sabihin mong n'nagbibiro ka lang! S'sabihin mong n'nasa loob ng simbahan na iyon si A'Ashlem at hinihintay a'ako"
Umiiyak kong sabi sa kanya. Habang patuloy ko siyang pinapalo na sa dibdib niya. At habang tinuturo ko pa ang simbahan na nasa aming gilid lang.
"Señorita patawad po totoo po ang lahat ng sinabe ko!"
Sagot niya sa akin, sa boses na tila awang-awa siya sa akin.
"Ahhhh!!! H'hinde pwede! k'kasal ko ito e!!!"
Nagtangka ako tumakbo sa simbahan dahil umaasa parin ako na nasa loob parin si Ashlem na naghihintay sa akin habang nakangiti.
"Señorita Tara na po!!"
Bigla ako hinawakan sa dalawang braso ko ng dalawang tauhan ni Daddy.
"Bitawan ninyo ako!! G'gusto ko p'pumasok sa s'simbahan!! H'hinihintay a'ako ni Ashlem!! Pakiusap!!"
Umiiyak ko nang sigaw sa kanila. Pero mas malakas sila sa akin. Kaya muli nila ako ipinasok sa loob ng kotse. Kahit anong pagmamakaawa ko ayaw nila ako pakinggan.
Pinagitnaan ako ng dalawang tauhan ni Daddy sa loob ng kotse. Umiiyak ako blanko ang isip ko. Hinde ko alam kung totoo ang lahat ng ito. Baka nanaginip lang ako. Pero hinde e! hindi ito isang panaginip. Totoo ang lahat ng ito. Hinde niya ako nagawang pakasalan.
'Ashlem bakit!!?"
Tanong ko sa isip ko, Habang walang tigil ang pag-iyak ko.
Habang patuloy ako na umiiyak, Narinig ko na nagring ang phone sa isa sa mga tauhan ni Daddy. Narinig ko rin na ang kausap niya ay si Kuya Ron-Ron. Kaya kaagad ko inagaw ang phone sa kanya. Dahil gusto ko makausap si Kuya Ron-Ron.
"H'Hello Kuya Ron-Ron! t'ulungan mo ako. Pakiusapan mo sila ibalik ang kotse sa s'simbahan. Hinde pa nag-uumpisa ang kasal ko d'diba?"
(Aron) "Dimple tama na iyang kabaliwan mo! Hinde ka niya nagawang pakasalan!"
"P'pero Kuya baka nasa loob lang s'siya hinihintay a'ako! Pakiusap k'kuya Ron-Ron"
Umiiyak ko parin na sabi sa kanya sa kabilang linya. Narinig ko pa ang malalim na buntong hininga niya, Kasabay ang tunog na parang may nabasag sa tabi niya.
(Aron) Dimple naman!! Gumising kana!! matalino ka e!! huwag kang magpaka tanga sa isang lalake na hinde kaya matali sa Isang relasyon! Isipin mo naman ang Daddy mo alam mo bang nandito kami sa Hospital Comatose siya Dimple!! Tapos ang iniisip mo parin ang Gagong Ashlem Casimiro na iyan!!!"
Pasigaw at galit na boses ni Kuya Aron sa kabilang linya. At kaagad narin niyang tinapos ang pag-uusap namin. Para naman ako binuhasan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. Bakit nakalimutan ko si Daddy? Samantalang sinabe nga pala ng tauhan ni Daddy na inatake sa puso ang Daddy ko.
Pero heto ako ngayon. Nakikiusap parin sa kanilang lahat na ituloy ang kasal ko. Na pilit naman nilang sinasabi sa akin na wala ng kasal na magaganap dahil hinde ako kayang pakasalan ng Isang Ashlem Casimiro.
Hinde ko na alam ang mga sumunod na nangyari basta ang alam ko lang walang tigil ang pag-iyak ko. kasabay rin nun ang unti-unting galit na namumuo sa puso ko.
Pagdating namin sa tapat ng bahay kaagad sumalubong sa akin si Maria na umiiyak narin, Dahil alam ko na alam narin niya ang nangyari. Kaagad niya ako niyakap pero walang lakas ang katawan ko para gantihan ang yakap niya sa akin.
"Señorita S'sophia.."
"Maria g'gusto ko makita si Daddy.."
"Señorita tumawag si Boss Aron magpahinga kana muna daw. Siya daw muna ang bahala kay Don Felife"
Hinde na ako muling nagsalita pa. Kahit ang akayin niya ako paakayat sa kwarto ko ay hinde ako tumutol. Tila wala ng lakas ang katawan ko para gumalaw pa. Para ako kandila na unti-unti nalulusaw dahil sa sobrang sakit na Sumasaklob sa buong pagkatao ko.
kahit ang pagtanggal ng gown na suot ko ay si Maria ang gumawa. Hindi ko rin namalayan na napalitan na niya ako ng ibang kasuotan.
Hanggang sa alalayan na niya ako mahiga ay wala parin tigil ang aking pag-iyak.
"Maria bakit? bakit n'nangyari sa akin ito? masama ba akong a'anak? mali ba ang mag-m'mahal?"
Umiiyak kong tanong sa kanya. Naupo siya sa gilid ng kama sa tabi ko.
"Señorita magpahinga kana"
Umiiyak parin niyang sabi sa akin.
"Bakit g'gnon? bakit kailangan ko m'masaktan? m'mali ba ang maghangad na ikakasal ako sa lalaking mahal k'ko?"
Ramdam ko na Ang hapdi sa mga mata ko, Dahil sa walang tigil na pag-iyak ko mula kanina pa.
"Señorita l'lahat tayo mga Babae ay nangangarap na ikasal sa l'lalaking mahal natin! Hinde lang siguro kayo ni Señorito A'Ashlem ang para sa isa't-isa"
Umiiyak naman niya na sagot sa akin. Hinde ko siya tinignan dahil nanatili na nasa kisame ang tingin ko habang wala parin tigil ang pagdaloy ng mga luha ko.
"Ganoon ba i'iyon? k'kahit s'siya lang ang tanging lalake na pinag-alayan ko ng sarili k'ko? H'hinde parin kami ang p'para sa isa't-isa?"
"Señorita Sophia.."
"Maria Hinde ko na kilala ang s'arili ko ngayon. H'hinde ko alam kung dapat ko bang pagsisihan na nakilala ko ang Isang Ashlem Casimiro! gusto kong sisihin ang s'sarili ko! B'bakit h'hinayaan ko siya na m'makapasok sa isipan at p'puso ko!!"
Halos hilam na talaga sa luha ang mga mata ko. Lalo ako nasasaktan sa mga sinasabe ko. Dahil pinapaalala lang nito ang mga kabaliwan ko. Ang katangahan ko.
"Maria! gusto ko siya kasuklaman! Gusto kong paluhurin ang Isang Ashlem Casimiro sa harapan ko! gusto kong gumanti sa mapaglarong puso niya..