Avery

1055 Words
***After 3 years*** "Ano ang pakiramdam na nakabalik kana rito sa Hacienda Mondragon?" Napalingon ako kay Kuya Ron-Ron, Paglapit niya sa akin, Kaagad ako yumakap sa kanya. Dahil sa loob nang tatlong taon ay hinde siya umalis sa tabi ko. Tumupad nga siya na hinde na siya aalis sa tabi ko. Sumama ako lumipad papuntang Spain para samahan si Daddy na nasa Comatose stage nang mga panahon na iyon. Hinde na muling bumalik ang dating sigla ni Daddy nanatili na siyang nasa wheel chair. At hinde narin siya gaano makausap. Pero naiintindihan naman niya kung ano ang sinasabi mo sa kanya. Siya rin ang may kagustuhan na bumalik ako ng Hacienda Mondragon. Kasama si Kuya Ron-Ron. "Masaya na malungkot Kuya!" Totoo ang sinbabi ko sa kanya, Dahil Malungkot na Masaya nang muli ako makabalik dito sa Hacienda Mondragon. Inakay ako ni Kuya Ron-Ron na maupo sa mahabang upuan na kahoy. "Ano ang balak mo ngayon?" Tanong niya sa akin pagkaupo namin. "Sa ngayon Kuya hinde ko pa alam" "Itutuloy mo paba ang lagi mong sinasabi na sa muling pagbabalik mo dito ay ibang Sophia na ang makikita nila?" Hinde muna ako nakasagot sa tanong niya sa akin. Dahil naalala ko ang sinasabi niya. Dahil iyon ang paulit-ulit na kataga na lumalabas sa bibig ko habang hawak ko Ang kamay ni Daddy habang sakay kami ng Eroplano papuntang Spain. "Oo Kuya Ron-Ron Wala na ang dating Sophia na minsan ay naging mahina at naging tanga!" "Hindi ka mahina at hindi ka tanga Dimple. Nag-mahal ka lang Kaya lang hindi ganoon kalalim ang pagmamahal niya sa'yo!" Narinig ko na sabi niya sa akin. Pero sa totoo lang hindi ko inisip na mangyayari sa akin iyon. Oo sinabi ko sa sarile ko na handa ako. Pero ang malagay sa kapahamakan si Daddy nang dahil sa kabaliwan ko iyon ang hindi ko napag-handaan. Labis ako nasaktan dahil buong akala ko may katugon ang pagmamahal ko sa kanya. Kaya nang mga panahon na iyon ano nga ba ako para sa kanya? at sino ako sa puso niya para gawin niya sa akin iyon. Alam ko naman na naramdaman niyang mahal ko siya. Naramdaman ko rin naman na mahal niya ako. Pero totoo bang iyon ang pakiramdam ko? O baka nabubulagan nga lang ako nang mga panahon na iyon. 'Ang galing mo magpanggap Ashlem Casimiro!' Galit kong bulong sa sarili ko.Pero alam ko kahit na dayain ko ang puso at isipan ko ay hindi parin ito magbabago kung sino parin ang laman nito, Dahil ilang beses ko na sinubukan na ibaling ang pagtingin ko sa lalaking nasa tabi ko ngayon pero hindi ko magawa. Dahil siya parin ang laman nito, kasabay ang matinding galit na nararamdaman ko para sa kanya. "Salamat Kuya Ron-Ron dahil kahit na alam mo kung ano ang sitwasyon ko ngayon hindi mo parin ako iniwan. Bagkus mas lalo mo akong minahal" Naramdaman ko na umakbay ang Isang braso niya sa balikat ko. "Nangako ako diba Dimple? Hanggat hinde ko nakikita na Masaya ka hindi kita iiwanan. Magiging panatag lang ako pag nakita kong nasa ayos kana" "Nasa ayos naman ako Kuya! Ok na ako!" Sagot ko sa kanya. Nakita ko ang pag-iling niya. "Sa nakikita ko ngayon Oo masasabi ko na ok kana at malaki na ang pinagbago mo, Dahil sa dati na pagiging inosente ay napalitan na iyan ng kakaibang tapang ang iyong panlabas na kaanyuan. Pero pati ba ang laman ng puso mo ay matapang na rin ba Sophia?" Hindi ako nakakibo sa sinabe ni Kuya Ron-Ron tila alam niya talaga ang nasa saloobin ko. Muli ako napaiyak dahil sa kanyang sinabi, Niyakap naman niya ako kaagad. "Akala ko Kuya Ron-Ron kaya ko na! ngunit iyong alam ko na nasa kabilang Hacienda lang siya hinde ko magawang Kalimutan siya! pero gusto ko siyang kasuklaman! Gusto ko siyang paluhurin sa harapan ko! At Sabihin ko sa kanya ang lahat ng naipon na sakit dito sa puso ko!!!" Galit na galit kong sambit kay Kuya Ron-Ron. Habang walang tigil ang pagluha ko. Na tila ba ang lahat ng nangyari ay kahapon lamang naganap. Hinde sapat ang tatlong taon na pananatili ko sa Spain para maghilom lahat ng sakit na idinulot sa akin ng Isang Ashlem Casimiro! "Nasa likod mo lang ako Dimple! Sa ngayon ang laban mo ay laban ko narin!" "Salamat Kuya" "Señorita Sophia gising na si Avery!" Nakangiti na lapit ni Maria sa akin. Sabay bigay niya sa akin ng aking dalawang taon gulang na anak ko na si Avery. "Grabe ang ganda niya Señorita. Pati ang dalawang biloy mo sa magkabilang pisngi mo ay nakuha niya sa'yo!" Tuwang-tuwa na bigkas ni Maria sa akin. Habang nakangiti siyang nakatingin sa kalong ko na si Avery. "Aalis na ako Dimple babalik ako dito pagkalipas ng isang linggo, Sigurado kaba na ayos ka lang dito?" Narinig ko na sabi ni Kuya Ron-Ron habang tumatayo siya. Hindi kasi siya dito maglalagi. Kailangan kasi niya bumalik sa Maynila at may kailangan siyang asikasuhin. "Oo Kuya ayos lang kami dito ni Avery" Nakangiti ko na sagot ko sa kanya. Hinalikan muna niya ako sa aking Noo ganon din si Avery. At tuluyan na siyang tumalikod para umalis at lumuwas sa Manila. Naramdaman ko naman na naupo si Maria sa aking tabi. "Señorita Sophia mula ng umalis ka dito walang tigil sa kakatanong sa akin si Mam Stella kung kailan ka babalik" Hinde ko tinignan si Maria kahit na narinig ko ang kanyang sinabi. Dahil lagi naman niya binabalita sa akin kung sino ang mga naghahanap sa akin dito, At kung ano ang nangyayari dito sa loob ng tatlong taon habang wala ako. "May sinabi kaba sa kanya Maria?" "Naku wala Señorita kahit kay Lorena wala ako sinasabi ng kahit na ano!" "Salamat Maria" Kinuha niya sa akin si Avery mula sa pagkakaupo sa aking hita dahil nagpupumilit na bumaba. Kaya nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang nakaalalay si Maria sa anak ko habang naglalakad. Hinde pa kasi matatag ang paglalakad ni Avery. Habang nakatingin ako kay Avery, Muli na naman akong binalik ng aking isip sa nakaraan kung paano nabulag ang puso at isipan ko. Dahil binigay ko ang lahat sa kanya na akala ko ay may puwang ako sa puso niya. Sumugal ako kahit na alam ko na malabo mangyari. Pero sugal nga e. Kaya ako ang natalo..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD