Puzzle heart

1123 Words
"Sophia...?" Narinig ko na tawag sa akin. kilala ko ang boses niya, Kaya napalingon ako sa nagmamay-ari ng boses.Si Stella na nanlalaki ang kanyang dalawang mata sa tuwa. Kasama niya si Manang na namimili rin dito sa pamilihan. "Sophia Ikaw nga!!" Tuwang-tuwa niya na sabi sa akin kasabay ang kanyang mahigpit na yakap. Pagkatapos nun tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. At napako ang kanyang tingin sa mga plastic na pinamili ko, Bigla ko ito naitago sa aking likuran dahil puro gamit ng Anak kong si Avery ang pinamili ko. "H'Hi 'Stella long t'time no see Ahh!" Nakangiti kong sabi sa kanya. Gusto ko na siyang iwanan pero alam ko magtataka siya pag ginawa ko iyon. "Sophia Lalo ka gumanda ah? Bakit bigla ka naman nawala at hindi ka man lang nagpaalam sa akin? Gusto ko tuloy magtampo sa'yo!" Sabi niya sa akin sa himig niya na may kasamang pagtatampo nga. Pero bakit tila hindi niya alam ang dahilan ng paglisan ko dito? Pero pinagwalang bahala ko na lang. Dahil ayoko ng maalala ulit iyon. "Ahmmm kailangan kasi e! Kasi kailangan ko samahan si Daddy sa Spain Stella!" Sagot ko na lang sa kanya. "Oo nga nabalitaan ko ang nangyari kay Don Felife, Pero kamusta na ba siya ngayon?" Napakunot-noo ako sa mga tanong ni Stella, Na hindi ko alam kung bakit. "Ahmm kung ikukumpara sa dati mas ok na siya ngayon!" "Ganoon ba.. Oo nga si Ashlem labis na...." Hindi ko na pintapos ang sasabihin ni Stella dahil tila nayanig na naman ang puso ko sa binanggit niyang pangalan. At bigla narin lapit sa akin ng tindera, Na nasa tapat na namin parehas, dahil nasa loob kami ng pamilihan ng mga damit pambata. "Mam ganitong color lang po ang nakita namin para sa dalawang taon na bata! Ok na po ba ang kulay na ito?" Sabi sa akin ng tindera,Dahil hinihintay at pinapalitan ko ng kulay ang damit na binili ko, nagpahanap ako ng ibang kulay na damit sa tingin ko ay mas bagay sa anak ko "Sige ok na iyan. Bayad ko na naman ito e' Huwag mo na ibalot dito na lang sa plastic na dala ko!" Nagmamadali ko na sabi sa tindera. Alam ko na nagtataka na si Stella sa kinikilos ko, At napansin ko rin na napako na talaga ang kanyang tingin sa mga plastic na hawak ko, Lalo na sa damit pambata na hawak ko. "Ahh Stella sige na maiwan ko na kayo! Kailangan ko na umuwi!" Nakipag beso muna ako sa kanya at nagmamadali na tinalikuran ko na sila ni Manang, Hindi rin nakaligtas sa akin ang kanyang mata na tila maraming katanungan. "Sophia...." Narinig ko pa tawag niya sa akin. pero hindi ko na siya pinansin. Pagdating ko sa kotse nagmadali ako na ini-start ito. At mabilis na pinasibad ito palayo sa pamilihan. Pagdating naman sa loob ng Bahay kaagad ako umakyat sa kwarto ko, Nadatnan ko si Maria na binabantayan ang anak ko na natutulog. "Maria magpahinga kana, Ako na bahala sa kanya" "Sige po' Señorita tumawag nga po pala si Lorena sa akin. Nagtataka po ako sa mga tanong niya" Bigla ako nakaramdam ng kaba sa sinabi ni Maria. Siguradong nagtanong na si Stella kay Lorena kung meron ba naikukwento sa kanya si Maria. "Tulad ng ano Maria?" "May bata daw po ba nakatira dito sa Hacienda? kasi nakita ka daw po ni Mam Stella sa pamilihan" "Anong sagot mo sa kanya?" "Hindi ko po alam ang isasagot ko e' Kaya iniba ko na lang ang pinag-uusapan namin!" "Sige Maria' Salamat iwanan muna kami" Tanging tugon ko na lang sa kanya. Paglabas ni Maria sa kwarto nilapitan ko ang anak ko na payapang natutulog sa kama namin. Humiga ako sa kanyang tabi at yumakap sa kanya. Lumipas pa ang dalawang araw habang nasa kusina ako na naghahanda ng pagkain ni Avery. Nang makarinig ako ng sigaw na tinatawag ang pangalan ko. "Señorita Sophia!!" Señorita!!" Nakaramdam ako nang matinding kaba dahil sa kakaibang boses ni Maria habang tinatawag ako. Paglabas ko sa kusina, Labis ako kinabahan dahil hindi niya hawak ang anak ko. "Maria asan si Avery!!?" Napataas ang boses ko sa pagtatanong sa kanya. Nakita ko na may takot sa kanyang mga mata habang nakatingin siya sa pintuan. Parang slow motion para sa akin ang pagpasok ng lalaking labis kong kinamumuhian sa loob nang tatlong taon. Napansin ko ang malaking pagbabago sa kanya. Dahil ang dati na laging nakangiti ay tila natakpan nang sobrang seryoso ng kanyang mukha. At hindi maitatago ang tila labis na pangungulila habang nakatingin siya sa akin. Naging mas malaki na ang kanyang katawan na tila katulad narin ng kay Lambert. Pero ang labis na nagpalaki sa aking mata ay nakita kong nasa kanyang bisig ang anak kong si Avery na walang kamuwang-muwang na tila kinikilala kung sino ang may hawak sa kanya. "Maria kunin mo si Avery!!!" "Pero Señorita...." Nahimigan ko ang tila takot sa boses ni Maria, Nakita ko rin ang tila may galit sa mga mata ni Ashlem. Anong karapatan niya tignan ako ng ganon? na tila ako ang may kasalanan sa kanya? "Anong ginagawa mo dito?!!" Galit na tanong ko sa kanya. Pinigilan ko ang sarili ko na tila may pilit na gustong kumawala. kailangan ko maging matapang sa harapan ng lalake na ito. "Sophia bakit bigla ka nawala?! Napakunot-noo ako sa naging tanong niya sa akin. Kaya mabilis ako lumapit sa kanya at kinuha ko ang anak ko sa kanyang bisig Na kaagad naman niyang binigay sa akin. "Anong karapatan mo na itanong sa akin iyan? Bakit Ano bang meron tayo!!?" Nakita ko ang panlilisik ng kanyang mata kasabay ang tila paninigas din ng kanyang panga. "Hinintay kita Sophia!! sa loob ng tatlong taon hindi ako umalis ng Hacienda Casivue! Umaasa ako na babalik ka rito sa Hacienda Mondragon! At marami akong gustong malaman na sagot mula sa'yo!!" Gusto ko siyang sampalin dahil sa kanyang sinabe. Tila pinaiikot na naman niya ako sa mga salita niya. "Wala ako dapat na ipaliwanag sa'yo!! at mas lalo na wala kang karapatan na maghintay sa loob ng tatlong taon Ashlem Casimiro!!" Nanlilisik ang mata ko sa galit. Habang binibigkas ko ang mga salita na iyon sa kanya. Mababakas sa gwapo niyang mukha ang labis na pagtataka sa nakikita niyang inaasal ko sa harapan niya. " Anong nangyari sa'yo? At Anak ko siya diba!!?" Nagulat naman ako sa magkasunod na tanong niya. Ganoon ba kadali para sa kanya na makilala na anak niya si Avery? "Sagutin mo ang tanong ko Sophia!!!" Malakas na sigaw niya sa akin. Kasabay ang galit na galit niyang mga mata. Pero kaagad din lumambong dahil nalipat ang kanyang paningin kay Avery na umiiyak na dahil sa labis na pagkagulat sa kanyang Pagsigaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD