Dalawang sugatan na puso

1085 Words
"Maria lumapit ka! kunin mo si Avery!" Pagalit kong utos kay Maria na kaagad naman na sumunod at ngayon ay nagmamadali na umakyat sila sa kwarto ko. Nakita ko na sinundan pa ito nang tingin ni Ashlem. "Anak ba natin siya?" Tanong niya sa akin, Habang wala sa akin ang atensyon niya dahil nanatili parin siyang nakatingin sa hagdanan, Kahit wala na duon sila Maria at Avery. "Hah!! Bakit Ashlem? kailan ka nagkaanak?" Nakuha ko na ang kanyang atensyon dahil sa naging sagot ko sa tanong niya. Pero nanlilisik na ang kanyang mga mata habang nakatingin na sa akin. "Anong pinagsasabi mo Sophia? alam kong anak ko rin siya! Dahil hindi mo maipagkakaila ang malaking pagkakahawig namin!!" "Ows talaga? Paano kung pinaglihian lang pala kita! Dahil sa matinding kasuklaman ko sa'yo!!!" Pangiinis kong sabi sa kanya, Kaya lalo nag-alab sa galit ang kanyang mata kasabay ang paninigas ng kanyang panga. "SOPHIA!!!!!!" Sigaw niya sa akin. Dahil sa ginawa niya nakuha na namin ang atensyon ang ibang tauhan ni Daddy na nasa labas lang at sadyang iniwan talaga dito ni Kuya Ron-Ron para sa amin ni Avery. "Wala kang karapatan sa kanya!! Dahil ako lang ang kikilalanin niya! at Ikaw? Mananatili kang Patay na para sa amin!!" "Sophia? ano ba yang mga pinagsasabi mo? Handa ako maging pamilya para sa inyo!" "Hahaha!!! Talaga Ashlem? Kaya mo?? Ano gusto mo? Magiging pamilya tayo sa mata ng mga tao? Pero hindi sa mata ng diyos? Ganoon ba ang gusto mo?" Nakita ko ang pagkalito sa kanyang mukha. Pero nanatili akong matatag. Gusto ko ilabas ang lahat na naipon na galit ko para sa kanya. Dahil pakiramdam ko ay kusa na itong sasambulat dahil nasa harapan ko siya ngayon. "Hindi Sophia!! Handa ako...." "Tumigil ka!!! Yung ako pa nga lang hindi mo kinaya na maging bahagi mo e!! tapos sasabihin mo sa akin ngayon handa ka maging pamilya sa Amin? Pinatatawa mo ba ako ASHLEM CASIMIRO!!" "Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo Sophia!" "Your f*****g s**t!! Gusto mo ba ipaalala ko sa'yo mula sa umpisa? Pero Ayoko!! Dahil ayoko na balikan ang nakaraan kung kailan at paano nagsimula na nakilala kita! Dahil nagsisisi ako na nakilala ka at minsan ay naging tanga ako sa'yo!! Sinenyasan ko na ang apat na lalaki na nasa likod ni Ashlem. Napansin naman niya agad ang paglapit ng apat na lalaki Kaya kaagad siya naalarma. "Sophia Hinintay kita! Gumawa ako ng paraan para makausap ka!" "Umalis kana Ashlem!! Kahit ano pa ang sasabihin mo ngayon! Hindi ako makikinig sa'yo!! Alam ko kaya mo silang tapatan na apat! Pero hindi ako magsasawa na paulit-ulit na magpadala ng mga tao dito! para lang tuluyan kang umalis sa harapan ko!! Kaya UMALIS KANA!!!!" Labis na ang galit na nakikita ko sa kanya. Pero mas labis narin ang galit na nararamdaman ko dahil parang ibinabalik ako nito sa nakaraan. Kung paano niya ako unti-unting dinurog. "Sa ngayon Sophia pilit kong iintindihin ang mga sinasabi mo! pero pinapangako ko babalik ako dito! At aalamin ko kung bakit nagkakaganyan ka. At kung saan nanggagaling ang matinding galit mo sa akin!" "Hah!! Huwag ka nang bumalik!!" Ayokong makita iyang pagmumukha mo!!" Galit kong sigaw sa kanya. Pero hindi ko napaghandaan ang ginawa niya. Dahil bigla niya ako niyakap ng sobrang higpit. Sa una natulos ako sa kinatatayuan ko. Pero nang marinig ko ang boses niya tila nagising ako sa isang magandang panaginip dahil sa yakap niya. "Sophia Mahal na Mahal kita!!" Ubod na lakas ko siyang itinulak, Kasabay ang pagdapo ng palad ko sa kabilang pisngi niya. "Sinungaling ka!!!! Hindi ka marunong magmahal!! S'Sarili mo lang ang minahal mo!! wala kang p'pakialam sa mga taong nasa paligid mo!! M'makasarili ka!! Maraming bagay kang kinakatakutan!! Takot kang h'harapin ang S'sarili mo!! Kaya w'wala kang k'karapatan na magkaroon ng p'pmamilyang s'sinasabi mo!!!!" Sobrang sakit na sa akin habang sinasabi ko ang mga iyon sa kanya. kahit tila natutulala siya sa mga sinasabi ko pero nanduon parin ang matinding awa niya sa akin. "Kaya lang k'kasalanan ko rin naman e!! kasalanan nito!" Dumapo ang kamay ko sa dibdib ko Habang sinasabi ko sa kanya ang mga salita na iyon. "Tapos sinegundahan pa nito!!" Lumipat naman ang hintuturo ko sa utak ko. habang patuloy ako na umiiyak. "Maganda naman ako e! Mayaman naman ako! Matalino naman ako!! Pero pagdating sa'yo naging bobo ako!! "Kaya Ashlem kahit galit ako sa'yo, Pero naiintindihan parin kita!! Kasi ako ang unang nagpakita ng motibo diba? Kasi siyempre iisipin mo lalaki ka lang?" Natatawa ko nang sabi sa kanya. Habang umiiyak parin ako. "At naging faithfull ka rin naman sa akin e!! kasi sa umpisa pa lang sinabi muna sa akin na ayaw mo matali sa Isang relasyon diba? Ako naman si Gaga umasa at sumugal na baka sakaling magbago ang paniniwala mo!!" "Sophia..." Nagtangka siyang lumapit sa akin. Pero sinenyasan siya ng Isang kamay ko para mapahinto siya. Nakita ko ang labis na hinanakit na sa kanyang mga mata. Dahil siguro sa mga sinasabi ko at kasabay ang walang tigil na pagluha ko. "Kaya lang At the end!! ang gagang si Sophia natalo sa sugal Pag-ibig!! Kasi naman Ashlem pinadama mo ako e!! Binigay mo sa akin ang lahat ng alas!" Nanlilisik ang mata ko habang sinasabi ko sa kanya iyon. "Kunwari mahal mo ako? Nagpakitang motibo ka na gusto mo rin ako? Sobrang sweet mo sa akin? Tapos kung kailan sobrang hulog na ako sa'yo!! Goodbye na? Walang paalam man lang?!! Dinurog mo ako!!! Inalis mo dito sa puso ko ang paniniwala ko na kayang baguhin ng Pag-ibig ko ang Isang Ashlem Casimiro!!" "Patawad Sophia..." "Hah!! Patawad ganon na lang yon?! Tapos ano inaashan mo na sagot ng Isang Sophia Mondragon!?" "Sige Ashlem! Pinapatawad na kita! pwede mo na ulit ako mahalin kunwari? ganoon ba Ashlem ang gusto mo marinig sa akin hah?!!" Pang-iinis kong sabi sa kanya. Mababakas sa kanyang gwapo na mukha ang labis na hinanakit. "Tandaan mo itong sasabihin ko sa'yo ngayon! Kung darating man ang araw na muli ako magmamahal, Sisiguraduhin ko na mapupunta na ako sa tamang tao! yung hinding-hindi sasayangin ang pagmamahal ko!! At Sisiguraduhin ko rin na hindi Ikaw ang tao na iyon!!! Dahil wala kahit na isa sa mga katangian na iyon 'ASHLEM CASIMIRO!!" Umiiyak kong sabi sa kanya. Nakita ko rin ang tila pagkatulala niya mula sa kanyang kinatatayuan. Habang hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa akin. Nakita ko pa na may luhang naglandas sa mata niya. Kaya kinuha ko ang pagkakataon para tumakbo palayo sa kanya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD