Hindi ako tumungo sa kwarto ko,Dahil ayoko makita ng anak ko na umiiyak ako. Kahit na alam ko na hindi pa niya maiintindihan ang nangyayari sa paligid niya. Habang nakadapa ako sa kama ni Daddy paulit-ulit ko pinapalo ang unan na nasa aking mukha, Tila dito ko binubuhos ang lahat ng galit ko. Dahil pakiramdam ko hindi pa sapat ang lahat nang sinabi ko kay Ashlem. Pero alam ko sa sarili ko na mas higit ako na nasasaktan habang sinasabi ko sa kanya ang mga masasakit na salita na iyon sa kanya. Dahil nakikita ko sa gwapo niyang mukha ang labis na hinanakit na kahit ganoon pa man ay parang gusto niya ako yakapin ng mahigpit. Pero dahil sa matinding galit ko ay nakikita ko rin ang takot sa kanya. "Sa loob nang tatlong taon Ashlem Ikaw parin ang sinisigaw ng puso ko! Pero pipilitin kitang alis