Eurie's Pov: I'm sorry, but you're pregnant. Why? You shouldn't have become pregnant! Naimulat ko ang mga mata ko nang tila marinig ko sa aking panaginip ang mga salitang iyon. Mga salitang narinig ko siyam na taon na ang nakalipas. Hmn. Nanlalabo ang aking paningin at ramdam na ramdam ko ang sakit ng aking ulo. Nanginginig din ako sa lamig at hindi ko maigalaw ang aking katawan. Ang tanging alam ko lang... ay nakahiga ako sa kama at nakabalot ng kumot ang aking katawan. Sinuri ko ang paligid na tila wala pa sa aking sarili. Iginala ko ang aking mga mata habang nagugulumihanan at nakita ko ang ilang pamilyar na kagamitan, napagtanto kong ako ay nasa aking kwarto. S-Sandali, a-ano bang nangyari? P-Paano ako napunta dito? Muli kong iginala ang aking paningin at sinubukan kong igalaw an