Eurie's Pov: Mag-aalas dyis na ng gabi ay nasa taxi pa rin ako dahil sa traffic. Nginig na nginig ako sa taxi at ubo na rin ako ng ubo. Sinabihan ko pa ang driver na pakipatay na lang ang aircon at hindi ko na talaga makayanan ang ginaw. Basang-basa ako dahil sa ulan at hindi na talaga maganda ang aking pakiramdam. Napadampi ako sa aking noo dahil nangingiyak ang mga mata ko sa init ng mga ito pati na rin ang aking hininga ay parang mainit na din ang pagbuga, sh!t, tama nga ako, nilalagnat na ako! Mariin kong naipikit ang aking mga mata at napasandal na lang ako sa aking inuupuan. Ang bigat na ng ulo ko at kumikirot na ang aking sentido. K-Kainis! Hindi pa naman ako pwedeng umabsent bukas, sa biyernes na ang launching at hindi ko pa natatapos ang presentation! Paano ba ito!? Tumunog an