Nakatulala si Eurie at nag-iisip. Break-time na nila sa paaralan ngunit hindi siya kumakain dahil wala talaga siyang pera ngunit hindi iyon ang kaniyang inaalala. Sinugod na naman kasi ang kaniyang ina sa ospital at hindi niya alam kung saan kukuha ng pera. Nakaupo lang si Eurie sa isang bench sa lilim ng isang malaking puno habang nakatanaw sa kawalan. Animo'y inalisan siya ng espiritu at wala na siyang ganang mabuhay pa. "Uhmn!" singhap niya nang may bigla na lamang magtakip ng kaniyang mga mata mula sa likuran. "Hulaan mo," sabi ng wirdong boses na sadya namang binago lang. "F-Franz!?" tugon ni Eurie at lumapad ang ngiti ng lalaki nang sambitin nito ang kaniyang pangalan. "Nice," ani Franz at tumabi ito kay Eurie. "Bakit nandito ka? Halika, kumain tayo!" "H-Ha? H-Hindi, okay lang a