Eurie's Pov: "OH... MY... GOSH!!!" isa-isang pantig na sabi ni Maddie habang nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa akin at maya-maya pa ay bigla ng lumawak ang ngiti nito. "Shocks, Eurie! YOU'RE SO GORGEOUS WITH THAT GOWN!" Nakaramdam naman ako ng hiya kaya napatikom ako ng aking bibig. Nilapitan ako ni Maddie at maingat na kinabig ang mga balikat ko upang iharap ako sa malaking salamin. "Look at yourself! Aw, Eurie! I'll bet iuuwi ka din ni Nigel mamaya!" tila kilig na kilig na sabi ni Maddie. "H-Ha? P-Pero dito naman talaga ako nakatira sa inyo, di ba?" ani ko na natatawa sa kaniya. "Ay, oo nga pala! I mean... ah, basta!!! Ang ganda-ganda mo!!!" pagpaptuloy niya at natawa na lang kami pareho. "Sobrang ganda mo din Maddie, alam mo ba?" pagbawi ko sa kaniya ngunit may katotohan