Brenda's Pov: "Kamusta naman ang mag-ina dito? Hindi naman ba sila inaapi nila Marthena?" tanong ko sa aking nakakatandang kapatid. Humigop siya ng kaniyang herbal tea na aking dinala para sa kaniya bago niya ako sinagot. "Ano bang pinagsasabi mo Brenda? Wala namang naikukwento sa akin ang bata na sinasaktan siya nila Marthena," tugon ni Alejandro. "Nasaan na nga ba ang apo kong iyon? Bakit wala pa si Kyrie? Ganitong oras ay kumakatok na siya dito sa aking silid ngunit ngayon ay wala pa siya." Napangiti ako ng bahagya. Ngayon ko na lamang kasi nakitang sabik ang aking kapatid na makasama ang isang tao. Noong nabubuhay pa si Alexis noong kami ay mga bata pa, si Alejandro din ang palaging nagbabantay sa kaniya at nangangalaga dahil siya nga ang panganay at nang pumanaw ito ay nasaksihan