Eurie's Pov: "Mr. Huson!!!" bati ng lalaki sa principal ng paaralan nang tumayo ito. Ni hindi na kumurap ang mga mata ko habang nakatitig sa kanila na marahang naglalakad papasok ng silid. Para namang hindi ako nakikita ni Nigel dahil casual lang itong lumalakad habang nakasilid ang mga kamay sa magkabila niyang mga bulsa. Walang mababanaag na emosyon sa kaniyang mukha at para bang hindi kami magkakilala. Ibinigay ng lalaki ang upuan sa principal at pumwesto sila ni Lyca sa likuran nito. Ako naman ay bahagya pang napalunok ng kaunti nang dumaan si Nigel sa aking harapan at naramdaman kong nangatog ang tuhod ko nang lampasan niya ako. Naupo siya sa isa sa mga upuan na nasa gilid na para bang naghihintay. Nakade-quatro ang kaniyang mga binti habang nakapatong ng pa-ekis ang mga braso sa i