Eurie's Pov: Maaga akong nagising kahit na tila tatlong oras pa lang akong nakakatulog. Ewan ko ba, kinakabahan ako. I-Ito kasi ang huling araw ng palugid ni tiyo Simon ngunit... wala pa rin akong perang maibibigay sa kaniya. Sabi naman ni Nigel ay wala kaming dapat gawin, pero natatakot pa rin ako. Alam ko kung paano magalit ang tiyo Simon ko at tiyak na ibubunyag niya ang lahat sa oras na hindi ko siya sundin. Anong gagawin ko? Napabaling ako sa pinto ng aking kwarto nang makarinig ako ng ilang sunud-sunod na pagkatok mula doon. Malakas ang kutob kong si Kyrie iyon dahil ganoon siya kumatok kaya naman lumapit ako sa pinto para buksan ito. Hindi nga ako nagkamali, nakita ko sa labas ng pinto si Kyrie ngunit hindi ko inaasahang kasama niya si Nigel kaya medyo namilog ang mga mata ko. "