Eurie's Pov: "Sinasabi ko sa 'yo na hanggang mamayang hapon na lang ang oras mo! Kapag hindi ka nagpakita sa bahay, PASENSYAHAN NA LANG TAYO!" sabi ni tiyo Simon at siya na ang nagbaba ng tawag. Nanginig ako sa labis na takot at tila hindi ako makapag-isip ng maayos. Tila nablangko ang isip ko dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Malamang na napansin ni Margaret ang panginginig ko kaya naman ay kunot-noo niya ako tinanong. "Eurie, what happened? Anong nangyayari sa 'yo?" "H-Ha? W-Wala! Wala!!!" nauutal kong sabi at tumayo na ako. "P-Pasensya na, ka-kailangan ko ng bumalik sa opisina!" Hindi ko na hinintay pang umimik si Margaret at dali-dali na akong lumabas ng coffee shop na iyon. Tuloy-tuloy sa mabilis na paghakbang ang aking mga paa ngunit pakiramdam ko ay napakalayo