Eurie's Pov: Labis-labis ang kaba ko habang palabas ng mansyon. Iniisip ko kung paanong nakapasok si tiyo Simon dito gayong isa itong exclusive na subdivision? Totoo nga kayang may mga koneksyon siya? Hindi! "Eurie," tawag sa akin ni Nigel at hinawakan niya ang kamay ko. Balisa akong lumingon sa kaniya, "Nigel! Nigel nandito si tiyo Simon! K-Kukunin niya si Kyrie! Hindi ako makakapayag do'n!!!" Inalis ko ang pagkakahawak ng kamay niya sa akin at nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad papunta doon sa may gate. "Eurie, calm down! Please listen!!!" sabi niya pero parang hindi ko na naririnig si Nigel at patuloy lang sa paglalakad ang mga paa ko hanggang sa marating namin ang gate. "Eurie, I need to tell you something!" "Nigel, kung tungkol 'yan sa pagbibitiw mo, alam ko na! Alam ko na 'yan pe