Eurie's Pov: "Oh, gising ka na pala," medyo gulat kong sabi nang makita kong bumaba na si Nigel at halatang kagigising niya lang. "What time is it?" tanong niya. "Eight," tugon ko matapos kong patayin ang kalan. Katatapos ko lamang magluto ng aming agahan. Nilingon ko siya at nakita kong dumiretso siya ng banyo. "Pupunta ka ba ng opisina ngayon?" "No, I let Margaret do my work there for the time being. I know she can handle it," tugon niya at sa tingin ko ay nagsisipilyo siya. "May pupuntahan ka ba ngayong araw? Mag-almusal muna tayo," paanyaya ko at binuksan ko na ang kabinet na naglalaman ng mga pinggan. Dahil nga hindi naman kami naka-aircon dito tulad sa mansyon nila, nararamdaman ko na ang init doon kaya naman nilikom ng aking mga palad ang aking buhok at tinalian ko ito ng pata