Eurie's Pov: "Are you sure you won't come home to the mansion with me?" tanong sa akin ni Nigel. Umiling ako habang mariing nakatikom ang aking bibig, "H-Hindi na muna. N-Nahihiya ako sa pamilya mo." "Bakit?" aniya na sumulyap sa akin habang nagmamaneho. "Do you know they are all looking for you?" Nangunot ang noo ko nang balingan ko din siya ng tingin, "H-Ha?" "You donated Kyrie's eyes to Mikaela, didn't you? They didn't expect you to do that." "Ah, yun ba?" tugon ko at saka ako muling napatingin sa unahan. Tila nanariwa sa aking ala-ala ang mga sinalita ni Kyrie noong nag-uusap kami noon. "Naalala ko kasi... ang sinabi ni Kyrie. Gusto niyang siya ang maging mga mata ni Mikaela. Gusto niyang ibigay ang mga mata niya noon pa kaya alam ko... tama ang ginawa ko. Sigurado akong... masay