Simon's Pov: "Chief! C-Chief! M-May balita na ba kung anong nangyari sa anak ko? Pu-pwede ko na ba siyang puntahan ulit?" tanong ko habang nakahawak ang aking mga kamay sa mga rehas na humaharang sa akin. Nilingon ako ng pulis na nag-iinspeksyon nang mga oras na iyon. Siya din kasi ang pulis na sumama sa akin nang puntahan ko si Kyrie sa ospital. Nang makilala niya ako, nilapitan niya ako at para bang dismayado ang kaniyang anyo. "Mr. Fulgencio, ikaw talaga ang sinadya ko dito," aniya. "T-Talaga? Bakit chief? Pupuntahan na ba natin ang anak ko? Maayos na ba siya?" tanong ko. Hindi ko alam pero bigla na lang nalungkot ang kaniyang mukha na siya namang... nagpakaba sa akin. "I'm sorry, Mr. Fulgencio, pero... a-ang bata... ang inyong anak... ay pumanaw na." Nang sabihin niya iyon... na